Nagpupumiglas si Jackylyn sa pagkakahawak ng lalaki sa kaniya habang walang pakialam ang mga tao sa paligid. Humihingi siya ng tulong pero lahat ng mga taong nagdaan ay ilag at takot yatang umeksina lalo na't may baril na hawak ito. Kinaladkad siya nito papunta sa sasakyan pero sa determinasyon niyang makawala rito, kinagat niya ang kamay nitong nakahawak sa kaniya ng subrang lakas.
Napasigaw ito sa sakit at isang malakas na sampal ang binigay sa kaniya. Nabaling ang kaniyang mukha sa lakas pero hindi niya ininda ang sakit, ginawa niya iyon para makatakas pero nahila nito ang kaniyang buhok. Napasigaw siya sa sakit.
"Alam mo Seniorita, hindi ako takot patayin ka kaya umayos ka!"
Napaiyak siya sa sakit. Kinaladkad na naman siya nito at lihim nanalangin na sana ay makawala siya sa demonyong nasa harapaan niya. Pinilit siya nitong pumasok sa loob ng sasakyan at nagtagumpay ito. Malakas siyang napasigaw at binayo ang pintuan para makalabas pero naka-lock na iyon. Mabilis itomg sumakay at pinaandar ang sasakyan.
"Please maawa kayo sa'kin, ayuko bumalik ng mansion!"
Ngumisi lang ito at mas lalong binilisan ang pagmamaneho. Hindi siya nito pinansin kahit ilang beses siyang nagmakaawa. Naluluhang napatingin na lang siya sa bawat taong madaanan nila at humingi ng tulong sa mga ito mula sa salamin pero tulad kanina, walang pakialam ang mga 'to.
Nag-ring ang cellphone nito at do'n siya nakakuha ng tyempo nung sagutin nito ang tawag. Mabilis niyang kinabig ang manibela, hindi siya nito pwedeng ibalik sa lolo niya! Nakipag-agawan siya rito sa manibela at pa-ekis ekis ang takbo nila sa mahabang kalsada. Hindi niya na inisip kung ano ang magiging kasunod na mangyari basta ang gusto lang niya ay makawala.
Kinagat niya ng mariin ang teynga nito habang napapasigaw ito sa sakit. Hinaklit naman nito ang kaniyang buhok sa isang kamay nito. Pakiramdam niya mabubunot yata mga buhok niya pero tiniis niya ang sakit. Nalasahan niya ang dugo sa bibig niya pero hindi siya tumigil. Pa-ekis ekis din ang takbo ng sasakyan at nakakarindi ang mga busina sa paligid.
Eksaktong pagtaas niya ng tingin sa unahan ay ang pagsalubong nila sa isang malaking sasakyan. Sa subrang bilis ng pangyayari, hindi niya nakuhang sumigaw.
Dinig niya ang pagbangga ng sasakyan at pagkabasag ng mga salamin. Hindi siya naka-seatbelt kaya humampas ang katawan niya sa unahan. Mga busina ng sasakyan ang huli niyang narinig at boses ng isang lalaki na nakasuot ng mask at hoodie. Kasunod no'n ay biglang nandilim ang buong sistema niya...
"I'll save you!"
BIGLANG nanumbalik ang presinsya niya nung pitikin ni Abhaya ang kaniyang noo kaya nanumbalik siya sa reyalidad na wala na siya sa nakaraan. Saka lang niya naalala na kanina pa pala niya tinitigan ang sariling repleksyon aa salamin at bakit bumalik itong babaeng 'to? Akala ba niya ay umalis ito?
"Akala ko ba umalis ka?"
"Kanina pa. Nakabalik na lang ako na nakatitig ka pa rin sa salamin. Gandang ganda ka na naman sa sarili mo?" maarteng umupo ulit ito at kumakain.
Natawa siya sa inasal ng kaibigan at hinayaan ito na kumain. May gagawin siya at iyon ay basahin ang mga document na inemail sa kaniya ni Yx. Ang sabi nito, importanteng mabasa niya ang mga ito. Busy siya sa pagbabasa ng mga ito nang bigla siyang tinakasan ng kulay. Eksaktong pagtaas niya ng tingin ay ang pagpasok ng taong laman ng utak niya.
Ito 'yung unang pagkakataon na magpang-abot sila dahil nung unang bumisita ito sa opisina ng binata bago ang birthday party, nakatakbo agad siya ng restroom. Ngayon, yumuko na lang siya. Hindi siya nito pwedeng makita.
"Is Doc. Hayes here?" tanong nito.
"Inside. Pasukin mo." Si Abhaya ang sumagot.
Walang sabing pumasok ito at naiwan silang nagkatitigan ng kaibigan. Mukhang may get together yata ang mga ito dahil kanina ay dumating ang mga kaibigan nitong nagngangalang Azael, Sid Caiden at Cuhen.
"Theon Willoughby. Gwapo siya, at may asawa na."
"Paano mo nalaman may asawa na siya?" takang tanong niya. May alam ba ito sa buhay ng lalaki?
Natawa ito. "Obvious ba? May wedding ring itong suot."
Napahiya siya sa naging sagot nito. Oo nga pala, may singsing naman talaga itong suot. Dapat nga hindi na siya papaapekto sa presinsya ng lalaki. The best way she can do is avoid him.
Nang gabing iyon ay may order sila galing kay Yx regarding sa paglipad ni Doc. Hayes papuntang Russia na kailangan nilang pigilan but everything went south nung nakaalis ang binata at nasa likod si Abhaya ng sasakyan nito. It was the most foolish thing she did pero dahil kaibigan niya ang babae may tiwala siya rito. Tulad ng sabi niya, nakasunod siya ng lihim sa sasakyan ng doctor hanggang sa makita niyang may nakasunod sa mga ito.
"May nakasunod sa inyo na tatlong sasakyan," mabilis niyang sabi sa kaibigan sa pamamagitan ng suot niyang hikaw at kwentas. Ito ang tanging gadget na nagdudugtong sa kanilang dalawa.
"Shit! Sabi na eh," inis na pakli nito sa kabilang linya.
Kahit siya ay nag-aalala, hindi lang sa buhay ng lalaki na binabantayan nila kundi sa buhay ng kaibigan niya. Nasa back compartment pa naman ito at alam niyang hindi basta-basta ang sitwasyon nito sa likod.
"No need to worry. Bulletproof ang sasakyang ginamit ni Doc," sinabi niya iyon kahit hindi ito nagtatanong.
Dinig naman niyang napahinga ito ng maluwang.
"Okay ka lang?!" sigaw niya nang makitang binundol ito ng isang pesteng sasakyan. Kung nakapagdala sana siya ng armalite, kanina pa niya pinagbabaril ang mga deputang ito!
"Shoot them now," utos nito.
Napatango siya. Kahit hindi naman nito sasabihin talagang babarilin niya ang mga ito. "One car down." napangisi siya nang sumabog ang isang sasakyan.
Take that mother fuckers!
"Kapit lang!" sigaw niya ulit. Kinakabahan siya sa buhay nito pero sa isipin na kasama naman ito ni Doc. Hayes, alam niyang imposibleng pababayaan nito ang kaibigan niya.
"Lukaret ka! Saan ako kakapit?" inis na sagot nito.
Lihim siyang natawa. Lukaret din ito pero agad nawala ang ngiti niya nang maalala na hindi pala alam ng lalaki na andun sa likuran si Abhaya. Shit!
"Abhaya? Okay ka lang ba? Kiene?!" nag-alala siya para sa kaibigan. Ito lang ang tanging bukod malapit sa kaniya, maliban sa wala siyang pamilya... Ito lang ang itinuring niyang parang kapatid.
"Oo! Si Hudson ang atupagin mo, hindi ako!"
Napangisi siya sa sinabi nito. Kahit ayaw na ayaw nito sa binatang Doctor, alam niyang mahal ito ng kaibigan. Hindi na siya nag-dig pa sa nakaraan nito. May tiwala siya sa babae at kung ano man ang maging desisyon nito, rerespituhin niya. Sa taon nilang pagsasama, wala itong naikwento kahit isa. Oh well, kahit siya rin naman o sadyang kinalimutan lang nila 'yung mapait na nakaraan?
"Apat na armadong sasakyan ngayon ang— Argh!" paska! Napahiyaw siya. Mula sa unahan ay may nagkusang bumaril sa kaniya at hindi niya nailagan iyon. Masyado siyang focus sa kaligtasan ng kaibigan, nakalimutan na naman niya ang sarili. Shit! Shit!
Pinaulanan siya ng bala at huli na nang ma-realize niya nung gumiwang-giwang siya sa gitna ng kalsada. Pinilit niyang maging focus at 'wag padala sa takot na umalipin sa kaniya ilang taon din pero tuluyan siyang nawalan ng control at ilang sandali pa ay naramdaman niyang malakas siyang bumangga sa isang tabi.
T-theon...
BINABASA MO ANG
DOMINANT SERIES 5: Intruder (Completed) THEON WILLOUGHBY
General FictionWARNING: Mature Content || R18 Please be advised that this story contains mature themes and strong language. Kasal si Theon kay Amara pero kahit kasal sila, hindi siya makuhang mahalin ng babae. Hindi siya kayang mahalin nito dahil iisang lalaki lan...