KUNG nakakamatay lang ang tingin ni Jackylyn kay Don Jukka baka kanina pa ito natumba at nangisay. Hindi niya mabilang kung ilang beses niya itong pinatay sa isip kahit iisang dugo lang ang nanalaytay sa kanilang dalawa.
Nagwagi itong dalhin siya sa Finland at pinasuotan ng malaswang damit na halos kita na ang buong kaluluwa niya sa subrang daring ng tabas nito. Nakaupo siya sa isang malambot na kama na kulay pula at tanging mapusyaw na ilaw ang nagbibigay ng liwanag sa bawat bahagi ng apat na sulok ng silid. Nakakadena ang kaniyang dalawang kamay at kahit anong gawin niyang palag, hindi siya makawala.
Maraming lalaki sa malaking silid na iyon at kahit hindi niya nakikita ang mga mukha ng mga 'to, alam niyang mabibigating tao at hindi basta-basta ang mga nando'n. May cameraman na nakaharap sa kaniya at alam niyang naka-live siya sa darkweb. The auction will start soon ayon sa kaniyang lolo habang siya ay natuyo na lahat ng luha niya.
Ang iniisip na lang niya ay kung paano makakalabas sa silid na bitbit ang ulo nito."Two hundred thousand million USD for my precious granddaughter." malakas na sabi nito habang humihithit ng sigarilyo.
Nanginginig sa galit si Jackylyn habang nagsisimulang nagpataasan ng presyo ang mga bibigating lalaking matatanda man o bata sa kaniyang palibot. Kaniyang payabangan ang mga ito sa pagtaasan ng presyo para lang makuha siya.
"One billion USD!" Tumayo ang isang matabang lalaki na maraming tattoo sa katawan. Ngumisi agad ito nang lahat ay tumahimik at wala ng sumalungat sa presyo na pinatong sa ulo niya.
"Enough with this!" nangangalaiting sigaw niya sa matandang kaswal lang na nakaupo sa isang tabi.
"Going once... Going twice... So—" nauwi sa ere ang anuman sasabihin ni Don Jukka nang salungatin ito ng isang lalaki.
"100 billion USD," malakas na saad nito.
Napasinghap siya nang marinig ang napakalaking halaga na sinambit ng isang lalaki sa likuran. Baliw ba ito? Baliw na nga! At mauuna yata siyang mababaliw ngayon. Nagsimula siyang magwala sa kinauupuang kama. Bahagya lang siyang natigilan nang marinig ang yabag ng sapatos ng lalaking nagtaas ng napakalaking presyo para sa kaniya, dahan-dahan itong lumabas mula sa madilim na kinauupuan papunta sa kaniyang kinaruruonan.
"Onko se tarpeeksi? Luulen, että on." Is that enough? I guess, it is. Pero ang buong atensyon nito ay sa kaniya nakatingin.
Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil naka-hoodie pero subrang pamilyar ng boses nito. Kung hindi siya nagkakamali... Napasinghap siya at hindi makapaniwala. No, baka kaboses lang ng lalaking lumitaw sa isip niya pero sa puso niya, sana nga lumitaw ito at iligtas siya sa lugar na 'yon.
"Rahat eivät koskaan tuo minulle tyytyväisyyttä, young man." Money never bring satisfaction on me, young man. Puno ng pinalidad na sagot ni Don Jukka habang marahang sumisimsim ng wine sa kopita.
"That's good to hear. I'm taking her with me." Tinanggal nito ang hoodie at humarap sa kaniya na nakangisi.
Napatanga si Jackylyn nang tuluyang masilayan kung sino ang nasa kaniyang harapan ngayon at bumili sa kaniya sa hindi basta-bastang halaga. Biglang nanubig ang kaniyang mga mata at subrang lakas ng tahip ng kaniyang puso at parang mabibingi yata siya. Ando'n 'yung urge na gusto niyang salubungin ito ng yakap!
Theon!
"I'm here," umukit lang sa labi nito ang katagang ito.
Napatango siya at pinigilan ang sariling huwag maiyak at umarteng hindi niya ito kilala. Kapag oras na malaman ng lolo niya na kilala niya ang lalaki, dodoblehin nito ang presyo. Ganito ito karumi maglaro.
BINABASA MO ANG
DOMINANT SERIES 5: Intruder (Completed) THEON WILLOUGHBY
General FictionWARNING: Mature Content || R18 Please be advised that this story contains mature themes and strong language. Kasal si Theon kay Amara pero kahit kasal sila, hindi siya makuhang mahalin ng babae. Hindi siya kayang mahalin nito dahil iisang lalaki lan...