Isang tapik ang nagpagising kay Jackylyn sa kaniyang mahimbing na pagkatulog. Eksaktong si Theon ang namulatan niya na nag-aalala ang mukha. May gusto itong itanong pero pinili nitong manahimik saka siya nito niyaya na magpunta sila sa kabilang bahagi ng isla. Dalawang oras daw siyang tulog ayon kay Theon kaya nagkaroon ito ng panahon na maghakot ng mga gamit mula sa lumubog na yatch nila. Nakaya rin nitong gumawa ng munting kubol mula sa mga kahoy na napulot nito at tuyong dahon ng niyog mula sa kalayuan malapit sa bukana ng kagubatan papasok.
"You'll stay inside while I'll stay here." tinuro nito ang labas kung saan nito nilagay ang ilan sa mga napulot nitong kagamitan mula sa lumubog na yatch. May mga panggatong na rin itong nilagay at sa hinuha niya, pang-bonfire ito mamaya.
"Sure ka? Pwede naman ako rito sa labas kasi..."
"Come on Jacky, you're wounded." putol nito sa anuman sasabihin niya.
Tama nga naman. May sugat siya at hindi ito ang panahon para mag-insist siya sa isang bagay na alam niyang 'di nito papayagan.
Sumapit ang gabi. Prutas at isda ang kinain nila nang gabing iyon. Kanina pumasok mag-isa si Theon sa kagubatan at may dala na itong saging at singkamas paglabas para sa pagkain nila. Napahiya siya sa galing nito maghanap ng pagkain samantalang siya ay buong maghapon nakaupo. Ang lalaki rin ang gumawa ng bonfire at naibsan ang nararamdaman niyang lamig dahil na rin sa kaniyang sugat. Ang kwento nito, sanay ito sa survival mode kaya hindi na bago para rito ang ganitong buhay. Hindi siya makatulog sa loob ng kubol kaya nanatili lang siyang nakatitig sa ulap na puno na ngayon ng bituin. Napangiwi siya nang damhin niya ang kaniyang sugat. Buti at ito lang ang nakuha niya.
Nagpasya siyang tumayo at hindi maglikha ng ingay para hindi magising ang lalaki na mahimbing na ngayon na natutulog sa labas. Dahon ng saging ang sapin nito at nakaunan ito sa isang kamay. Mukhang pagod na pagod ito. Bago siya pumunta malapit sa dalampasigan, nilagyan niya ng panggatong para hindi mamatay ang apoy.
Malungkot siyang umupo sa buhanginan at napatitig sa kalangitan. Maraming nagkikislapan bituin at kahit papaano, gumagaan ang palibut. Iniisip niya kung hanggang kailan kaya sila ng lalaki rito sa islang ito? May tutulong ba sa kanila sakali? Mayamaya ay nagulat siya nang may tumabi ng upo sa kaniya.
"You should take a rest. Why are you here?"
Sumikdo ang kaniyang puso sa malamyos na boses na iyon ni Theon. Pinigilan niyang manginig. "Wala, nagpapahangin lang ako sandali. Babalik din ako agad. Kayo, magpahinga na kayo."
Napabuntunghinga ito. "I am, and then I saw you heading to the shore. Akala ko nag-sleep walking ka." Bahagya itong natawa sa sinabi at napakamot sa ulo. "Okay, I gotta rest for awhile. Don't stay here for too long Jackylyn. A boar might gonna eat you."
Bigla siyang natigilan sa sinabi nito. Baboy-ramo? "Meron dito?"
Tumango naman ito agad saka tumayo. Mabilis siyang napatayo at napasunod dito. Natatawa na lang ang lalaki sa kaniya at napakamot na lang siya ng ulo.
KUNG hindi pa siya nasinagan ang kaniyang mukha nang umagang iyon at naamoy ang masarap na inihaw na isda, baka ayaw pa niyang bumangon. Eksaktong paglabas niya ng kubol, ang nakahandang pagkain sa ibabaw ng malapad na bato. Eksaktong may saging, bayabas, at dalawang malaking inihaw na isda. Bigla siyang natakam.
"Goodmorning sleeping doll. Breakfast is ready."
Namula siya sa sinabi nito. Doll? Gusto niyang itanong iyon pero naunahan siya ng hiya. Ilang sandali pa ay naging ganado siya sa pagkain. Parang ngayon lang niya nasubukan maging tao sa subrang tagal na panahon. Nang araw na iyon ay tinulungan niya si Theon na maghakot ng mga bato at gumawa ng malaking help signal sa buhangin. Sana ay mabilis silang ma-rescue kahit wala naman siyang alam kung saan siya tutungo after nito.
Umupo siya sa malaking tipak na bato at pinagmamasdan ang naliligo na lalaki sa malinaw at asul na asul na tubig. Kung alam niya siguro lumangoy baka kanina pa siya nagtampisaw. Napapangiti siya sa tuwing umaahon ito at parang diyos na bumaba sa trono sa tuwing nagfi-flex ang muscles at abs nito sa katawan. Bago pa niya pagpantasyahan ang lalaki, bumaba na siya sa kaniyang kinauupuan at nagpasiyang maglakad-lakad at hanapin 'yun bag niya. Baka makita niya ito at kailangan niya ang laman n'on. Naka-sealed ang mga documents at pera niya sa isang plastic kaya alam niyang hindi nababasa ang mga ito.
Malaki ang isla kaya malayo-layo rin ang kailangan niyang lakarin pero halos maabot niya na yata ang dulo nito, walang bag niya ang kaniyang nakita. Matamlay ang balikat na bumalik siya sa kubol. Anong gagamitin niyang pera kung ganun?
"Looking for something?"
Saka lang niya napansin na tapos na pala si Theon maligo at sinuot nito ulit ang short pant na hinubad. May huli na itong isda at mga kuhang clam at shellfish. Inaayos nito ang mga 'to sa may kalakihang malapad na bato at sa ilalim no'n ay apoy. Magluluto ba ito?
"Magluluto ka?" gulat na tanong niya.
Natawa ito sa kaniyang inakto. "Yeah. Why?"
Hinarap nito ang mga dahon na hindi niya alam kung ano ang mga pangalan at saan nito nakuha. May isang tipak na batong matulis ito sa isang kamay at hindi niya alam kung para saan din ito.
"Ano ang mga 'yan?" Lumapit siya rito at tiningnan ang ginagawa ng lalaki. Na-amuse siya sa nakita at hindi niya alam na pwede pala magluto sa ganitong isla na walang kagamit-gamit kahit kutsilyo. Kahit may alam siya sa kusina, pagdating sa lalaki pakiramdam niya parang kulang ang kaalaman niya.
"It's herbs and used to flavour food."
Napatango siya sa sinabi nito. Hindi niya alam ang pangalan ng herbs na ito. Napasunod ang kaniyang tingin sa bawat galaw nito at amaze na amaze siya. Mukhang sanay na sanay ito sa ganitong sitwasyon. Kahit siguro mag-isa lang ito, kaya nitong mabuhay. Siya kaya? Baka isang araw lang, wala na.
"And one thing, I love the shrimp soup you cooked. Masarap. Nagustuhan ng panlasa ko. Guess hahanapin ko ang lutong iyon," saad nito.
Napangiti siya ng hilaw. Akala niya hindi ito kumain. Hindi na lang siya sumagot. Hinihintay niyang maluto ang niluluto nito dahil amoy na amoy niya at takam na takam siya kahit hindi niya alam ang niluluto nito. Basta isdang nilalagyan ng mga dahon na pinag-chop nito.
"Kindly get me the soy sauce and vinegar."
"Ha? Meron tayo?" takang napatanong siya.
"Yeah, there's a store behind this forest." Tinuro nito ang kagubatan.
Naniwala naman siya at tumayo para sundan ang sinabi nito. Agad naman siyang pinigilan nito.
"I'm joking, hey!" Natawa ito. "Nasa tabi lang ng icebox. I'll pick those thing along the shore. Inanod. Good thing because we can still eat delicious foods for that. If you know what I mean..."
Para naman siyang napahiya pero natawa rin sa isipin na tumayo siya at sinunod ang sinabi nito. Naniwala talaga siyang may tindahan sa likod ng kagubatan. Napakamot na lang siya sa ulo at kinuha na ang pinapasuyo nito. Sana matagal matapos ang araw na ito para matagal din niyang makakasama ang lalaki kahit bawal at mali.
BINABASA MO ANG
DOMINANT SERIES 5: Intruder (Completed) THEON WILLOUGHBY
Ficción GeneralWARNING: Mature Content || R18 Please be advised that this story contains mature themes and strong language. Kasal si Theon kay Amara pero kahit kasal sila, hindi siya makuhang mahalin ng babae. Hindi siya kayang mahalin nito dahil iisang lalaki lan...