Chapter 36 - "Popcorn"

28.9K 956 134
                                    

"Theon!"

"Jacky!" Natigilan si Theon sa pagpasok sa loob ng plane nang makitang nakaumang ang improvised baston-gun sa kaniya ni Don Jukka. Sa kabilang kamay nito ay ang cigarette pipe at kampante itong humithit ng usok at binuga sa hangin.

Natalo rin niya ang dalawang lalaking nakaharang sa kaniyang daraanan kanina. Sa pagmamadali niyang makuha ang babae, ginamitan niya ang mga ito ng nakakamatay na technique at 'yon ay hilain ng mapwersa ang lalamunan ng isa saka malakas na siniko ang puso. Habang ang isa ay pinuntarya niya ang leeg nito at pinaghahampas ang ulo sa bakal na hagdanan.

Napahugot siya ng malalim na hininga. May apat na lalaking nakatayo at lahat ng mga 'to ay nakapamulsa habang naghihintay sa utos ng Don. Mula sa labas, dinig na dinig niya ang patuloy na pagpapatayan ng mga kasamahan niya at ito siya ngayon, naghahabol ng hiningang nakatayo sa harapan ng mga 'to.

"Don't ever think about it. Tumakas ka na Theon, save yourself!" pakiusap ni Jackylyn.

Napatingin siya sa dalaga at napailing, iyon ang hindi niya kayang gawin sa mga sandaling ito. Malayo na ang narating niya para isuko ang babae. Humakbang siya ng isa at kitang kita niya ang paghawak nito sa trigger. Sandali itong tumigil sa paghithit ng sigarilyo at matiim siyang pinagmasdan.

"200 billion ibigay mo sa'kin si Jackylyn," pinal na saad niya at walang takot na nakipagtitigan kay Don Jukka.

Natawa lang ito at inabot sa tauhan nito ang hawak na cigarette pipe. "I changed my mind. Afterall, mamatay ka rin sa kamay ko bata and all of your money will be mine. Jaakina will become my assassin. I had this planned to remove you from her senses and make her useful. You know how science will do, right?"

Nagulat siya sa nalaman. Fuck no! Hindi niya papayagan mangyari ang bagay na gusto nito.

"Stop this! Theon has nothing to do with it. Let him go, don't hurt him."

"You think I didn't know Jaakkina, you love that married man? Alam mo kung bakit pinatay ko ang ama at ina mo dahil sa walang kwentang pagmamahal na 'yan."

Hindi siya makahuma sa sinabi nito. Isa lang ang pumasok sa isipan ni Theon at 'yon ay ang sinabi nitong mahal siya ng dalaga. Ang lakas ng kabog ng puso niya at mas lalong tumaas ang hangarin niyang iligtas ito.

"Theon, umalis ka na. Hayaan mo na ako, kailangan mo mabuhay. Hindi mo alam kung ano klaseng tao ang nasa harapan mo ngayon." muling pakiusap sa kaniya ni Jackylyn at marahang pumatak ang mga luha sa mata nito.

"Jacky..."

"Mä rakastan sua..."

Para siyang binagsakan ng langit sa salitang binanggit nito at hindi makapagsalita. Pakiramdam niya ay umikot ang kaniyang mundo. Muli siyang humakbang papalapit sa dalaga pero humarang agad sa kaniya ang apat na tauhan at tinulak siya pabalik.

"Get out of my way!" galit na sigaw niya. Nagsilabasan ang litid ng mga ugat sa kaniyang leeg pero tila walang narinig ang mga 'to at tiningnan lang siyang parang hangin.

The blood was dripping from his fist and forehead. May tama rin siya sa tagiliran nung akma siyang sasaksakin nung lalaking may tattoo sa mukha, nailagan niya iyon pero nahagip pa rin ang kaniyang tagiliran. Napakuyom siya ng kamao at nagbilang ng tatlong segundo sa isipan.

Isa... Dalawa... Tatlo!

Napasigaw si Jackylyn nang sumugod siya at nakipag-one on one sa apat na kalalakihan pero dahil may sugat na rin siya sa tagiliran at hindi rin basta-basta ang mga taong ito, agad siyang napabagsak ng apat. Napaluhod siya at nagpipigil mapasigaw sa sakit nang baliin ng isa ang kaniyang dalawang kamay.

DOMINANT SERIES 5: Intruder (Completed) THEON WILLOUGHBYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon