"Here." May inabot sa kaniya ang binata na envelope nang salubungin siya nito sa lobby.
Casual na umarte si Jackylyn sa harap ni Yx at tinanggap ang inabot ng binata. Nagpaalam na ito agad sa kaniya at nagtuloy-tuloy sa pagpasasok sa elevator paakyat sa 10th floor. Nagkibit siya ng balikat at nagpasyang umuwi sa apartment para makapag-isip ng maayos at tingnan ang laman. Alam niyang hindi ito panibagong assignment, hindi nagbibigay ang lalaki sa kaniya na pang-isahang lakad. Wait, hindi nga ba?
"D'yan lang sa may kanto," paalala niya sa manong driver. Tango lang naging sagot nito sa kaniya.
"So what is it?" bulong niya sa sarili habang pasalampak na umupo sa kama. "Date and address?" bigla siyang natuliro at napatingin sa kalendaryo nang makita ang laman.
Isa iyong sulat kamay ni Yx na naglalaman ng date at address sa isang lugar at pangalan ng taong kailangan niyang puntahan at bisitahin sa pamamagitan ng dahas. Isang tao lang ang kailangan niyang patahimikin ayon na rin sa report ni Yx na kailangan mamatay muna ang ugat at ang iba niyang kasamahan ang bahala sa mga sanga at bunga pa'no patayin.
Dalawang araw mula ngayon sa isang lugar na hindi niya alam na nag-exist ang kaniyang pupuntahan. Ang bilis niyang kinuha ang laptop sa bag at tinipa ang malabong address na binigay ni Yx sa papel. Naiintindihan niya kung bakit agaran siyang binigyan nito ng assignment kahit kasasabi lang nito na refrained muna siya pansamantala. Lahat na mga kasama niyang agents ay nasa ibang lugar at may hawak ng iba't ibang kaso. Binigay nito sa kaniya, ibig sabihin madaling tao lang ang haharapin niya.
"Goodluck."
Mensaheng natanggap niya sa lalaki. Bigla siyang kinain ng kaba sa isipin mag-isa lang niya itong gagawin. Masyado siyang nasanay na may partner siyang tulad ng kaibigan niya. But no, Yx trusted her. Ibig sabihin nito ay madaling bagay lang ang pinapagawa nito.
Tinabi niya ang laptop at humiga sa malambot na kama. Hinayaan niya ang sariling kainin ng iba't ibang emosyon habang nakatitig sa kesame hanggang sa lumitaw sa isip niya ang mukha ni Theon. Napangiti siya pero agad din pinaalis ang mukha nito, pinaalala niya sa sariling hindi para sa kaniya ang lalaki at may mahal 'tong iba. May mahal itong iba.
Hindi lang niya maintindihan kung bakit sinusundan siya nito, gusto niyang alamin ang bagay na iyon pero wala siyang lakas na loob na kausapin ito ng sinsero. Natatakot siya na kapag ginawa niya iyon ay magiging si Jackylyn na naman siya na sinuko lahat dito.
Pinikit niya ang mata at hinayaan ang sariling makatulog. After niyang ma-settled itong assignment at plano niya sa matandang Don, maglalaho na naman siyang parang bula. Hindi na ulit siya makikita ni Theon. Siguro ito lang 'yung pagkakataon na makita siya nito na nasa paligid lang.
WALANG kahirap-hirap na inakyat niya ang likuran pader nang malaking bahay. Isa itong bahay bakasyunan at ayon sa nakuha niyang information, isa itong Drug Syndicate galing sa ibang bansa at naglilibang pansamantala sa Pinas kasama nito ay limang bayarang babae.
Napangisi siya habang sinulyapan ang orasang pambisig na suot niya. 30 minutes— no, 20 minutes... Papatayin niya ito sa harap mismo ng mga bayarang babae. She can't wait! Masasabi niyang nagpa-excite iyon sa kaniya.
Inayos niya sandali ang sumbrero sa pagkakalagay sa kaniyang ulo saka siya nagsimulang humakbang papuna sa pintuan sa may kusina. Bago siya sumuong sa panganib ngayon, inalam niya muna ang detalye ng bahay sa pamamagitan ng blue print na nakuha niya.
Ang masters bedroom ay nasa 3rd floor ng bahay, nasa pinakadulo ito ng tatlong kwarto. Kung wala ang papatayin niya sa pool, nasa kwarto na ito for sure. May secret passage sa kitchen para hindi siya makita kung sakaling maraming bantay. Dito siya pwedeng dumaan at papasok sa isang room kung saan malaya niyang mapupuntahan ang 3rd floor na hindi dadaan sa hagdanan sa may sala.
Ready! Hinanda niya ang sarili habang naglalakad siya sa madilim na pasilyo. Hawak niya sa kamay ay isang mataas na uri ng baril na may silencer at flashlight. Marahan siyang naglalakad sa sekretong hagdanan at pinatalas ang pandama. This time, sarili lang niya ang meron siya. Wala si Yx at si Abhaya na nasa likod niya para tumulong kung sakaling madali siya sa assignment niyang 'yon.
Nakarating siya sa itaas na walang kahirap-hirap. Inayos niya muna ang sarili bago siya naglakad sa pasilyo ng 3rd floor nang makita niyang maraming bantay sa labas ng master's bedroom.
Arghh! Paano niya ito gagawin? Kukulangin ang lakas niya kung dito sa mga 'to niya gagamitin. Kailangan niyang gumawa ng paraan lalo na at hindi basta-bastang mga bantay ang nakatayo sa labas. Lahat ay may hawak na mahahabang uri ng baril at matitikas ang tayo. She'll be dead for sure.
Napahugot siya ng malalim na hininga at ilang beses na pinakalma ang sarili. Breath in, breath out. Kaya niya 'to! Kinakabahan siya sa totoo lang pero kakayanin niya. Ipapakita niya sa sarili niyang kaya niyang labanan ang takot para mahaharap niya na ang kaniyang lolong ganid.
Mabilis siyang pumasok sa isang silid na nando'n at tinanggal ang sumbrero at jacket na suot, tinali ang tshirt at litaw na litaw ang malalim na cleavage niya at pusod. Ginulo niya ang natural na buhok at pina-sexy tingnan ang sarili.
Let's begin the game!
Humakbang siya papalabas nang silid na walang baril na dala at nakapaa. Malandi siyang ngumiti at naglakad ng nakakaakit papunta sa mga ito. She swayed her body perfectly and bingo! Nakuha niya ang atensyon ng sampung lalaki. Nakakunot ang mga noo nito at tinutok agad ang baril sa kaniya.
Paska! Sandali siyang natigilan pero agad siyang ngumiti ng matamis. Nang-aakit na lumapit siya sa mga ito at maarteng kinagat ang labi. Natatawa siya sa kaniyang inasta ngayon, kung nakikita siguro siya ni Theon sa ganitong ayos, pagsasabihan siya nitong malandi. Well, hindi nga ba?
"Boys..." maarteng sambit niya at sinabayan ng pag-indayog ng kaniyang katawan sa hangin.
Nakatutok pa rin sa kaniya ang mga baril ng mga ito pero sa kislap ng mga mata ng mga lalaki, panalo na siya. Malandi siyang tumawa at nilapitan ang unang lalaki. Hinawakan niya ang dulo ng baril nito at hinimas-himas iyon sa paraang pang-aakit.
Ang lagkit ng tingin na binigay niya rito at bahagya pang yumuko para makita nito lalo ang kaniyang dibdib.Jerk!
"Shhh... 'wag muna..." Kinindatan niya ito nung abutin sana ang kaniyang dalawang malalaking dibdib na na-developed sa hard training sa Isla.
Lumipat siya sa isang lalaki at tulad kanina, hinimas niya ang dibdib nito pababa sa tiyan... Hanggang sa puson. Nagsilabasan naman ang ugat sa leeg nito na halatang sabik na sabik na angkinin siya. Nung akmang hahawakan siya ng lalaki, pabiro niyang tinampal ang kamay nito at malanding tinawanan.
"Let's play a game. The one who guess my name will have me for tonight... Hmm? What you think guys?"
Lahat sumangayon sa gusto niya at kaniya-kaniyang mentioned ang mga 'to sa pangalan ng babae. Kahit naman mahula ng mga hayop na 'to ang buong pangalan niya, walang makakaangkin sa kaniya.
Lihim siyang napangisi nang dahan-dahan binaba ng mga 'to ang baril. Perfect! Nakuha niya na ang mga atensyon nito. Malandi siyang tumawa at pasimpleng kumatok sa pintuan. Kunwari ay sumandal siya sa dahon ng pinto at ang mga ito ay nakapalibot sa kaniya na parang asong ulol. Naglalaway at gustong gusto siyang kainin.
BINABASA MO ANG
DOMINANT SERIES 5: Intruder (Completed) THEON WILLOUGHBY
General FictionWARNING: Mature Content || R18 Please be advised that this story contains mature themes and strong language. Kasal si Theon kay Amara pero kahit kasal sila, hindi siya makuhang mahalin ng babae. Hindi siya kayang mahalin nito dahil iisang lalaki lan...