Chapter 22 - "Run For Her Life"

25.8K 865 64
                                    

NAPATITIG si Jackylyn sa malaking salamin, napapansin niyang nagkakulay na ang maputlang balat niya. Its been a week since may nangyari sa kanila ni Theon. Hindi na ito bumalik pa pero naiintindihan niya, alam niyang may asawa ito na subrang mahal at labas siya sa kwento ng mga ito.

Ipinilig niya ang ulo at nag-focus sandali sa sarili, napapansin niyang nagkaroon ng konting laman ang pisngi at ganun pa rin, pangit pa rin siya. Hindi niya makita ang ganda na laging sinasabi ng matandang Don na isa siyang napakagandang babae kaya maraming gustong makuha siya at mapangasawa na mga kasama nito. She was being held as auction item but never gonna happened again. Hindi siya bagay para ibenta.

Nagpunta siya sa kaniyang silid. Nagsuot ng hoodie at mask bago siya humarap sa laptop na pinadala kahapon ni Theon sa tauhan nito. Naglakas loob talaga siyang mag-request ng laptop dito at ibabalik niya rin pagkatapos, may gusto lang siyang gawin at isa na rin do'n ang mag-dive sa dark web. Mababaliw lang siya kung ito lagi ang iisipin niya at kahit ngayon lang, isasantabi muna niya ang kaniyang pagmamahal.

Pinatay niya ang buong ilaw ng kwarto at tanging study lamp lang ang nakabukas. Agad niyang binuksan ang firewalls ng laptop at ini-on ang full disk encryption nito for preventing file system data from leaking into the virtual machine. Gumawa siya ng fake account and then nag-set up ng VPN para hindi ma-locate ang address niya.

Ilang sandali pa ay mabilis ang kaniyang kamay sa pagtipa ng keyboard at mabilis na nagsilabasan sa harapan niya ang mga data na hindi niya kailangan. Hinintay niyang matapos sa pagsilabasan ang mga ito sa screen hanggang sa naging asul ang buong screen ng laptop. Marahan siyang nagbilang hanggang tatlo at biglang lumitaw sa kaniya ang mga information na kailangan niya. Mabilis ang kaniyang mata sa pagbabasa at ganun din ang kaniyang kamay sa pagtipa sa keyboard. Pinasok niya ang isang bank account ng matandang Don na hindi nito malalaman na kumuha siya ng pera. Marami itong account pero alam niyang may sarili itong storage room sa mga pera nitong galing sa illegal na paraan.

Pagkatapos niyang makakuha ng tamang halaga lang para siyang gamitin niya pag-alis, mabilis siyang umalis sa site. Nagtungo siya sa pinagbabawal na dark web kung saan ando'n lahat ng illegal activities, black market kung saan ang bentahan ay illegal and drug trafficking. Konting mali lang rito ay buhay ang kapalit, maling pindot lang ng keyboard ay hindi na siya sisikatan ng araw. Ganito kadelikado ang dark website kung saan andito lahat ang mga professional hackers, hired killers and assassin. Kinakabahan siya, matagal na 'yung huling dalaw niya sa lugar na ito at araw-araw ay nagbabago ang tecknolohiya. Hindi siya masyadong updated at baka magkamali siya ng galaw, ma-locate siya ng kahit sino.

Nagpunta siya sa illegal activities ni Don Jukka, at tama nga siya. Ang 50 million dollars na dinonate nito ay isang palabas lang para hindi mapansin na may transactions ito sa China at Japan na nagkahalagang bilyones. Nanghihinang napapailing siya habang tinitigan ang screen. Hindi basta-basta ang mga taong nasa likod ng illegal activities ng kaniyang lolong hindi makontento sa pera. May video ro'n at mostly mandarin and japanese ang gamit na lenggwahe ng mga ito habang nag-uusap sa isang room, mukhang may meeting ang mga 'to. Wala ro'n ang matanda, sinigurado nito ang kaligtasan.

Napasinghap siya nang biglang lumingon sa gawi niya ang isa sa mga ito at para bang nakikita siya nito lagpas sa screen niya. Ngumisi ito. Biglang nagsitayuan ang mga balahibo sa kaniyang katawan knowing na pwedeng nakita siya nito pero nang maalalang nilagyan niya ng cover ang camera ng laptop, nakahinga siya. Maingat siyang umalis sa delikadong site at pinangakong iyon na ang huling pasok niya ro'n.

Hindi siya mapakali habang kumakain ng hapunan nang gabing iyon. Something appalling. May hindi siya nagugustuhan at kinakabahan siya. Tiningnan niya ang kaniyang suot, she wore something white again and as usual, sweatpants. Dito siya comfortable. Nagulat siya nang biglang nag-ring ang  cellphone na binigay sa kaniya ni Theon. Tiningnan niya ang numerong nakalagay ro'n at hindi ito naka-save. Alam niyang hindi ito sa lalaki dahil naka-save ang number nito sa mismong contacts ng phone. Hindi kaya.... Nanlaki ang kaniyang mata! Diyos ko!

Mabilis siyang napatakbo at kinuha ang hoodie jacket at mabilis na sinuot iyon. Nanginginig ang kaniyang kamay na sinuot niya ang sapatos. Nagsimula siyang kainin ng takot at kaba habang iniisip na posibleng na-locate ang kaniyang address. God! Napaka-careless niya kung ganun! Ring nang ring ang cellphone at nung huminto ito sa pangatlong tawag, biglang nag-message pop ito.

You're being watched.
Tik-tok-tik-tok

No! Gusto niyang magmura pero wala na siyang oras, agad niyang tinakbo ang pintuan. She's shaking again at ito ang kinakainis niya. Dito siya laging napapahamak sa sarili niyang kahinaan. Mabilis niyang tinakbo ang private elevator pababa at lihim na nanalangin na sana hindi sila magpang-abot ng tauhan ng lolo niya. This time hindi niya kilala ang hahabul sa kaniya kaya kailangan niya ng tripleng ingat. Iniisip niya habang nasa loob siya ng elevator kung saan siya nagkamali, kung bakit na-locate ng mga ito ang address niya at alam ba nito na siya si Jaakkina? Kung sabagay, kahit hindi siya si Jaakkina na pinaghahanap ng mga ito, papatayin pa rin siya. Dahil hindi basta-basta ang dark web, walang nagpupunta sa site na ito na hindi namamatay kapag subrang careless.

Abut-abot ang kaniyang hininga habang pababa ang elevator papuntang ground floor. Sa pagmamadali niya kanina, nakalimutan niyang itapon sa basurahan ang cellphone, naiwan niya ito. Agad niyang tinakbo ang mahabang lobby at hindi nga siya nagkakamali, may tatlong nakaitim na lalaking papasok at kung pagmamasdan, mukhang hindi basta-basta ang mga ito. Bigla siyang natuliro sa gagawin, bigla siyang nagtago sa isang tabi habang pinipigilan niya ang sarili na huwag mangatal sa takot.

"The cyberpunk location ay nasa taas ng condominium na ito. Penthouse."

Nakagat niya ang kaniyang labi nang marinig niya ang sinabi ng isa sa mga ito at dali-dali nagtungo sa elevator. Hinintay niya muna magsirado iyon saka siya tumakbo ng mabilis papabalabas pero sa isipin na makakaligtas na siya, maling-mali siya. May isa pang lalaki na nakatayo sa labas at nung magtama ang mga mata nila, namukhaan siya nito.

"Seniorita?"

God! Kumaripas siya ng takbo. Hindi niya ito kilala pero based sa pagkakatawag nito sa kaniya, tauhan ito ng kaniyang lolo. Walang lingon siyang tumatakbo habang humahabol naman ito sa kaniya. Kung iisipin, mas marami ang humabol sa kaniya nung nakaraan pero iba iyon, planado ang pagtakas niya.

"Don't run Seniorita! I don't have time to kill a bitch!"

Napapikit siya, mas lalong nadagdagan ang takot niya. Mabilis siyang pumasok sa nakabukas na taxi at tarantang pinakiusapan ang kawawang manong na umalis sa lugar na iyon. Panay lingon niya sa likuran at kitang-kita niyang bumalik ito at may tinawagan sa cellphone saka mabilis na pumara ng taxi. Humabol ito sa kanila!

"M-manong maawa ka po, pakibilisan niyo po! Hinahabol ako ng kidnapper!"

Napilitan ang matandang lalaki na sundin ang pakiusap niya. Mabilis nitong inapakan ang accelerator pedal. Napahawak siya sa upuan at iniwasan mabunggo sa harapan. Panay lingon siya sa likuran na ngayon ay malapit na sa kanila.

Napasigaw siya sa takot nang maglabas ito ng baril at binaril ang gulong. Asintado, biglang bumagal ang takbo nila sa kalsada pero mabuti na lang walang masyadong tao. Tuluyan siyang napaiyak pero bago pa siya mahuli ng tauhan ng lolo niya, mabilis siyang tumakbo papalabas nung huminto ang sasakyan sa gitna ng kalsada.

"Jaakina!" malakas na sigaw nito at nagpaputok ulit ng baril.

Mangiyak-ngiyak siya sa subrang takot at nanginginig ang kaniyang tuhod pero nagawa niyang tumakbo sa isang tabi. Halos magkagapang-gapang na siya para lang makalayo pero nawawalan ng lakas mga tuhod niya.

No!

"You're going home Seniorita. Your grandfather awaits you."

Awtomatikong nanlaki ang kaniyang mga mata nang malakas siyang hilain ng tauhan ng matanda sa braso at kinaladkad.

DOMINANT SERIES 5: Intruder (Completed) THEON WILLOUGHBYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon