Chapter 7 - "Life Jacket"

26.6K 881 32
                                    

"Where are you, wifey?"

Natigilan si Jackylyn sa paglabas ng pintuan nang marinig niya ang boses ni Theon. Sandali siyang nag-isip kung lalabas ba siya ng tuluyan o pakikinggan niya ang lalaki habang kausap ang asawa nito? Pinili niyang buksan ng maliit na siwang ang pintuan at nakinig mula rito.

"You never tell me where you are."

Kitang kita niya ang hindi maipintang hitsura ni Theon. Bahagya itong nakaharap sa kaniya at gumuhit ang sakit sa gwapo nitong mukha. Hindi niya alam kung ano ang rason kung bakit nasasaktan ito pero pati siya ay nalungkot.

"Okay I got it. Don't worry wife, I understand."

Napahawak siya sa kaniyang dibdib at hindi niya alam kung saan galing 'yung kirot. Nasasaktan siya at parang gusto niyang lapitan ito at tapikin ang balikat. Pero kung gagawin niya ang bagay na iyon, ano naman iyon para sa lalaki? Estranghero pa rin sila sa isa't isa at hanggang bukas lang niya ito makakasama sa yatch nito and after niyan wala na, hindi niya alam kung makikita pa ba niya ito.

"Just take care and I..." hindi nito tinapos ang gustong sasabihin. Pinatay nito ang cellphone na hawak at pabulong na binigkas ang salitang I love you sa hangin. Agad itong pumasok sa loob ng cabin nito at nag-lock.

Saka siya lumabas ng cabin at nagtungo ng deck. Mula rito ay tanan niya ang walang hanggang tanawin ng dagat at ang magandang sinag ng araw. Maganda ang araw ngayon at nagpangiti sa kaniya ang bagay na iyon. Inisip niya na sana ay dito na lang siya sa yate ng lalaki pero imposible naman ang kaniyang iniisip kaya kung ano man ang nararamdaman niyang pagkagusto laban dito, kakalimutan niya na.

Sumapit ang gabi at ang lamig ng hangin ang nagpadagdag ng kalungkutan sa puso niya. Ito na 'yun gabing huli niyang makikita ang lalaki. Hindi ito lumabas simula kanina kaya naman ay nag-alala na rin siya. Gutom na rin siya at nagrereklamo na ang kaniyang tiyan. Naglakas loob na lang siyang magluto nang kung anong pagkain makita niya sa loob ng refrigerator na naroon. Hindi naman siguro ito magagalit kung mangingialam siya. 

Ang paboritong lutong bahay ang hinanda niya nang makakita siya ng hipon. Isang Sauted Shrimp with String Bean at Sour Shrimp Soup ang kaniyang hinanda. Perfect para sa malamig na gabi at sa natatakam niyang tiyan. Matagal-tagal na rin pala siyang nakapagluto ng sarili niyang ulam. Napangiti siya nang tikman niya ang sinigang, tamang tama lang ang kaniyang timpla at bago pa niya ito lantakan lahat, tinungo niya ang cabin kung saan nandoon ang lalaki para tawagin na kumain na ito. Huminga muna siya ng malalim bago niya kinatok ang pintuan. Nakailang beses siyang katok bago bumukas ang pintuan. Nagbaba siya ng tingin nang makita niyang kakagising lang nito at magulong magulo ang buhok, naka-topless at naka-boxer lang. Namumungay ang mga mata nitong para siyang hinihigop sa tuwing tinitingnan nya ang mga iyon.

"Yes?"

"A-ah, eh p-pasensya na kung nadisturbo po kita at sa pangingialam sa ref mo. Na-nagluto na ako ng pagkain para makakain na kayo." Ewan, kinabahan siya at nangatal. Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil masyado siyang halata sa kaniyang reaksyon.

Hindi ito sumagot. Mas lalo siyang naasiwa. Kaya nagtaas siya ng tingin at namula ang buo niyang pisngi nang makitang tinititigan siya nito. "Susunod ako, mauna ka na kumain." At pumasok na ulit ito sa loob.

Bumuka ang bibig niya dahil may gusto pa siyang sabihin pero ang pintuan ang sumalubong sa kaniya. Napabuntunghinga siya, mukhang hindi yata nito nagustuhan ang kaniyang pangingialam pero gutom na rin siya. Matamlay siyang bumalik sa dining area at kumain mag-isa. Na-appreciate niya ang lutong ulam, paborito ito ng mama niya at sa pamamagitan lang nito, gusto niyang isipin nito na lagi itong nasa puso niya at alaala. After niyang kumain at maghugas ng pinagkainan, nagpunta siya sa flying bridge at umupo ro'n. Pinagmasdan niya ang mga navigation na nando'n pero hindi niya ginalaw. May kalakasan ang hangin at napayakap siya sa sarili nung tumingala siya. Kitang kita niya ang madilim na kalangitan hindi tulad kagabi na parang may araw sa subrang liwanag.

Nilalaro niya ang kaniyang maikling buhok habang pinipilit bilangin ang mga bituin kahit wala siyang makita. Dinidistract niya ang kaniyang sarili para makapag-isip siya ng maayos mamaya bago matulog. Napapikit siya at hinayaan ang sariling maramdaman ang hanging malamig na dumadampi sa kaniyang pisngi. Pero ilang sandali lang ay napatayo siya sa kinauupuan nang maramadaman niya ang ilang patak ng ulan.

"God! Parang uulan yata. Kailangan ko ng pumasok sa loob." at nagmadali siyang umalis doon sa flying bridge papuntang cabin.

Bahagya pa siyang nagulat nung nakasalubong niya ang lalaki. "What makes you hurry?" takang tanong nito.

Yumuko siya sandali bago nagsalita. "A-ah, umuulan kasi kaya papasok na ako. Tsaka nga po pala kumain na kayo?"

Tumango ito at ngumiti. "Oo tapos na akong kumain. And by the way, I love the foods you prepared it bring backs old memories."

Namula siya sa sinabi ni Theon at nagpaalam na agad para pumasok sa loob. Baka hindi niya naman mapigilan ang sarili na titigan ang magagandang mga mata nito. Pero nasa bukana pa lang siya ng pintuan nang buhumos ang malakas na ulan. Napapiksi siya! Bakit ngayon pa umulan? Ayaw na ayaw niya sa tuwing umiiyak ang langit. Pati kasi siya ay naiiyak sa walang dahilan. Nagtungo siya sa kama at nagtalukbong ng kumot, magpapahinga na lang siya para bukas may lakas siya sa panibagong hamon ng buhay.

"Jacky!" Isang malakas na katok ang narinig niya sa pintuan.

Nakatulog pala siya at do'n pa lang niya napansin na umiikot ang paligid. Kitang kita niya sa salamin bubong na malakas ang ulan na sinabayan pa ng kulog at kidlat. God! Nagmamadali siyang tinungo ang pintuan at binuksan iyon, ang basang basa hitsura ni Theon ang bumungad sa kaniyang harapan. Mukhang may problema yata dahil sa pag-alalang nakita niya sa mga mata nito ngayon. Mabilis nitong hinawakan ang kaniyang braso at hinila siya papalabas.

"Wait! Ano  ba ang nangyayari?" Nagawa pa rin niyang itanong iyon kahit ang totoo alam niya na. Please 'wag naman sana, hindi siya marunong lumangoy at ayaw niyang mamatay sa gitna ng dagat na ito. Marami pa siyang kailangan gawin sa buhay niya.

"I'll explain to it later, Jacky! Wear this life jacket, we don't know what will happen next." 

Saka lang niya napansin na may hawak itong life jacket at ito na ang nagsuot sa kaniya. Agad siyang kinain ng kaba at halos manginig ang kaniyang katawan sa isipin na lulubog sila. Mabilis ang kamay nito na hawakan siya dahil muntikan na siyang sumubsub. Malakas ang alon at ulan sa labas, mukhang may bagyo.

"I-ikaw?" Tanong niya dahil hindi niya nakitang nakasuot  ito ng life jacket.

Tumingin lang ito sa kaniya at hindi sumagot pero nagsuot na ito ng life jacket. Hinila  na siya nito papalabas pero agad  siyang napahinto nang maalala niya ang kaniyang bag. Gusto niyang balikan ito pero nahila na siya nito nang tuluyan. Napapikit na lang siya at napasunod sa lalaki. Napasinghap siya nang sumalubong sa kaniya ang malakas na ulan. Sa subrang lakas nito, pakiramdam niya ay magkakasugat ang kaniyang mukha. Kung hindi nakaalalay sa kaniya si Theon baka kanina na rin siya sumubsub sa sahig dahil sa lakas ng alon na halos dinuduyan na sila sa gitna ng dagat dalawa.

"Hold on! Whatever happen don't let go my hand, okay? Do you hear me, Jacky?"

Napatango siya. Hindi niya magawang magsalita dahil naunahan siya ng tubig dagat. Galit na humampas iyon sa kanilang dalawa. Napasigaw siya sa takot kahit alam niyang wala naman makakarinig sa boses niya. 

"I'm here, okay! 'Wag na 'wag kang bibitaw sa kamay ko dahil hindi kita bibitawan!"

"Natatakot ako!" Nagawa niya rin sabihin. Nagsimula na siyang mangatal at lahit anong pigil niya sa sarili para kumalma, hindi niya magawa.

"Hey Jacky, listen to me. It's not the right time to get panicked, okay? As long as I'm here, you'll be safe. Just don't let go my hand!"

Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang kamay at ramdam niya ang seguridad. Kahit papaano ay kumalma siya at naniniwalang hindi siya nito pababayaan. 
Tahimik siyang nanalangin na sana ay makaligtas sila ngayon kung ano man ang mangyari. May asawang naghihintay sa lalaki at siya, marami pa siyang planong gawin after nito.

DOMINANT SERIES 5: Intruder (Completed) THEON WILLOUGHBYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon