Hindi pa rin makahuma si Jackylyn sa nangyari. Nababalisa siya sa isipin na nagkita sila ng tauhan nang lolo. Paano kung mahuli siya nito? Paano kung sasabihin ni Zerus sa matandang Don na nandito siya? Nanginig siya sa takot at hindi mapakali sa loob ng silid. Palakad-lakad siya at uupo naman habang nag-iisip kung anong pwedeng gawin. Unang pumasok sa isip niya ay tumakas na ngayon din bago siya nito maabutan pero wala siyang perang gagamitin. Anong gagawin niya ngayon? Ang perang nandun sa bag niya ay galing sa kaniyang allowance iyon na siyang iniipon niya para sa gagawing pagtakas. Mabilis siyang nagtungo sa pintuan at eksaktong pagbukas niya ay bumungad sa kaniya ang lalaki na siyang kakatok na sana. Matiim ang tingin nito sa kaniya.
"Theon!" bahagya siyang nagulat.
Isa lang ang pumasok sa utak niya, ang humingi ng tulong rito. Babayaran na lang niya balang-araw basta ang importante ay makaalis siya.
"Yeah?"
Kinapalan niya na ang kaniyang mukha. Tutal ito ang nag-offer sa kaniya ng tulong, lubusin niya na. Magaling na rin ang kaniyang sugat kahit 'di oa 'yon totally naghilum.
"Pwede ba-" Hindi niya natapos ang sasabihin dahil biglang nag-ring ang cellphone nito.
"Yes Zerus buddy?" Sandali itong dumistansya sa kaniya nang sagutin nito.
God! Hintakot na napaatras siya nang marinig niya ang pangalan na binanggit nito. Possible na magkakilala ang mga ito pero possible rin na ibang tao ang kausap nito at hindi 'yon taong isa sa tinatakasan niya. Kung nagkataon huwag naman sana siyang mahuli! Hindi lang kulong ang mangyayari sa kaniya sa mansiyon, alam niyang kaya siyang saktan ng Don.
Nag-excuse ito sa kaniyang harapan at sumenyas na babalikan siya, tanging tango ang kaniyang sagot at nagsirado ng pintuan. Nanlantang napaupo siya sa kama at pinilit pakalmahin ang sarili sa kabila ng takot na kaniyang naramdaman. Biglang may pumasok na idea sa kaniyang isipan nang tumama ang kaniyang mata sa center table nando'n. Right! Agad siyang tumayo at tumakbong nagtungo sa library room. Kailangan niya ng isang computer o laptop na may connection. May alam siya pagdating sa cyber world pero nung nalaman ng kaniyang lolo ang kakayahan niyang 'yon nung minsan pinasok niya ang darkweb at nakita niya kung anong klaseng tao ang matanda, banned siya sa lahat ng klaseng gadgets. Nanlumo siya nang makitang walang computer sa library room. Bagsak ang balikat na bumalik siya ng kwarto at umupo ro'n. Nalilito na siya!
Gabi na nang lumabas siya ng kwarto. Hindi nga niya ramdam ang gutom o ang tamang sabihin talaga ay andun pa rin ang takot. Plano niyang umalis mamayang madaling araw. Alam niyang masamang gumamit ng pera sa ibang tao sa masamang paraan but she doesn't have any choice. Kailangan niya lang mamaya ay computer at papasok siya sa isang bank account para magnakaw ng pera. Ibabalik niya rin balang-araw kapag naging okay na ang lahat.
Nakahanda na siya para umalis, inilagay niya sa ibabaw ng kama ni Theon ang cellphone nito sa kaniya. Puting tshirt at sweatpant ulit ang kaniyang suot. Pinarisan niya iyon ng sapatos na pinadala ng lalaki sa kaniya nung nakaraan. May hood jacket siyang nakita sa kwarto nito kaya kinuha na rin niya. Napangiti siya ng mapakla, she knows this will be the last time na makita niya ang lalaki. Ngayon pa lang ay humihingi siya ng patawad kung bakit umalis siya ng walang paalam at pagkuha ng walang paalam sa jacket nito.
Papalabas na siya ng pintuan nang magulat siya nang eksaktong pumasok si Theon. Abut-abot ang kaniyang hininga, wait, ibibigay na ba siya nito sa tauhan ng lolo niya? Pero agad siyang napakunot noo nang makitang namumungay ang namumulang mata nito. Mapula rin ang buong mukha nito at teynga at amoy alak.
"Hi, am I welcome here?" ngumiti ito at napakamot sa batok.
Napatanga siya sandali sa gestures nito at mabilis na tumango. "Of course bahay niyo ito, pasok kayo." Nagbigay siya ng espasyo at inalalayan itong pumasok dahil pasuray-suray na ito at mukhang limang shots pa, tumba na ito.
"I always noticed, lagi mo akong ina-address in an old way. Why on that? Am I really old, Jacky?" tanong nito.
Umiling naman siya dahil ang totoo, hirap na hirap siya sa subrang bigat nito. Maliit lang siyang babae at baka maling galaw niya, madaganan siya nito.
"Bakit kayo naglalasing?" Iniba niya ang usapan. Kailangan niyang makaalis.
"Fuck! 'Wag mo nga iparamdam sa'kin na matanda na ako. I'm on my 24 existence, masyadong gwapo lang ako pero hindi matandang tingnan."
Napangiti siya sa sinabi nito. Madaldal pala ito, hindi halata. Lagi kasing pino ang salita nito at seryuso lagi.
"Alam mo, nung kabataan ko subrang daming naghahabol sa kagwapuhan ko! Theon-gwapo lahat ng bansag sa'kin! Gosh!"
Tuluyan siyang natawa sa arteng pagbabaklaan nito sa huli.
"Like OMG! Napapa-shout sila lahat ng Theon marry me ma-lovez!" umarte pa ito na tumili na parang kinikilig.
Naiiling na lang si Jackylyn at nakahinga nang marating nila ang sofa. Sandali niyang pinaupo ang lalaki ro'n, magtitimpla lang siya ng kape para mabawasan ang kalasingan nito.
"'Yung iba nilandi ko, dini-date but this heart-" Tinuro nito ang puso, "nagmahal ng babaeng hindi siya kailanman minahal!"
Natigilan siya. Napatitig siya sa mga mata nito at kitang-kita niya ro'n ang sakit na ngayon lang niya nakita. Biglang kumirot ang puso niya sa hindi alam na dahilan.
Mula sa malungkot na boses nagsalita ito, "My wife Amara never love me."
Parang pinagsasaksak ang kaniyang puso sa narinig. Hindi siya makapaniwala na ang lalaking nasa harapan niya ngayon, na subrang bait at gwapo ay pinagkaitan ng panahon at pagmamahal. Namuo ang mga luha sa kaniyang mata pero agad niyang pinahiran iyon. Naiiyak siya sa sinabi nito. Kaya siguro ito naglalasing, siguro ang asawa nito ang dahilan. Bago pa siya traydurin ng puso niya na yakapin ito, tumayo na siya para pagtimplahan ito ng kape.
"Don't go!"
"Ha?!" Nagulat siya sa pagbiglang hila nito sa kaniyang kamay at niyakap ang kaniyang beywang. Biglang ang lakas ng kabog ng kaniyang puso. Hindi niya maintindihan! Anong gagawin niya? Unang pumasok sa kaniyang utak ay alisin ang kamay nito. Baka mas lalo lang siyang mahirapan na umalis.
"Pati ba naman ikaw, iiwan mo rin ako?"
Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa mga sandaling iyon. Ang pinupunto ba ni Theon ay pag-alis niya sa pamamahay nito o ang pagtimpla lang niya saglit ng kape?
"M-magtitimpla lang ako ng kape para ma-okay ang pakiramdam niyo," marahan saad niya.
"Ayaw!" parang batang sabi nito at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniyang beywang. Wala yata talaga itong balak siyang paalisin.
Napatingin siya sa orasan nasa dingding, quarter to two nang madaling araw. Aalisin niya sana ang kamay nito nang maramdaman niyang yumugyug ang balikat ng lalaki.
Theon...
Alam niyang sa mga sandaling ito, umiiyak ang lalaki at iniiyakan nito ang babaeng hindi niya nakita sa personalan pero lihim siyang nagagalit. Napaka-inconsiderate ng asawa nito sa feeling ni Theon! Marahan niyang tinapik ang likod nito at nagpasyang bukas na lang siya aalis, he needs her and siya lang ang nando'n para damayan ang nararamdaman nitong sakit.
"God must really hate me. He let me love the woman na hindi ako kayang mahalin. Pagmamay-ari ko sa mata ng lahat pero sa puso, hindi. Am I too bad?"
Words for words. Ang sakit ng mga salitang sinabi nito at parang sinakal ang puso niya. Marahan bumagsak ang mga luha sa kaniyang mata at nalaman na lang niyang umiiyak siya para sa lalaki.
BINABASA MO ANG
DOMINANT SERIES 5: Intruder (Completed) THEON WILLOUGHBY
General FictionWARNING: Mature Content || R18 Please be advised that this story contains mature themes and strong language. Kasal si Theon kay Amara pero kahit kasal sila, hindi siya makuhang mahalin ng babae. Hindi siya kayang mahalin nito dahil iisang lalaki lan...