Chapter 1
Angelus
"Angelus! 'yong order daw sa table 13!"
I went back to my senses after hearing Mama Rosie. Mabilis kong kinuha ang dalawang plato na may burger at fries saka pumunta sa table 13 kung saan nakaupo ang customer. I saw a man wearing a suit and tie. Mukhang kakagaling lang nito sa trabaho. Familiar siya sa akin at mukhang madalas siyang customer dito sa Burger Queen.
"Here's your order, sir." Ngumiti ako sa kanya at inilapag ang order niya sa mesa.
"Thank you," he said politely at sinimulan ang pagkain.
Agad kong sinalubong ng ngiti si Michael pagbalik ko sa counter. Napansin ko kasi kanina ang titig niya sa lalaki kaya napangiti ako.
"Type mo?" mabilis kong tanong.
Bigla siyang tumango. Tumawa ako dahil sa bilis niyang pag-amin. Agad siyang umiling at pinandilatan ako ng mata, pero huli na dahil umamin na siya sa akin.
"Kailan pa?" natatawa kong tanong.
"Tumahimik ka nga! Kaloka ka!" singhal niya sa akin at inayos ang mga tissue sa gilid.
"Gusto mo ilakad kita?"
Tumingin siya sa akin ng masama at dinuro ako ng ballpen.
"Subukan mo! Isusumbong talaga kita kay Mama Rosie sa mga nabasag mong baso!" banta niya sa akin dahilan kung bakit ako mas-lalong natawa. Namumula na kasi ang pisngi niya at halatang nahihiya.
Kinuha ko na rin ang ibang orders at paminsan-minsan ay nahuhuli ko si Michael na nakatingin doon sa crush niya.
Three years na akong nagtatrabaho dito sa Burger Queen kasama si Michael. Siya rin ang dahilan kung bakit ako nakapasok dito. High school kami nang magkakilala dahil magkaklase kami sa lahat. Siya rin ang naging kaibigan ko kasama si Gwen. Pero mayaman sina Gwen kaya kaming dalawa lang ni Michael ang nagtatrabaho para may allowance araw-araw. We are both scholars that's why we only need money for daily expenses.
"Nakausap mo na ba dati 'yan?" Tanong ko kay Michael at itinuro ang crush niya gamit ang nguso ko.
"Halos araw-araw, pero tuwing umo-order nga lang," malumanay niyang sagot.
"Infairness gwapo ah."
Nakita ko ang pagkislap ng dalawa niyang mata dahil sa sinabi ko. Kapag gwapo talaga ang pinaguusapan namin ang bilis niyang magkaroon ng interest.
"Pero baka mas straight pa 'yan sa ruler, eh. Ni hindi nga ako tinatapunan ng tingin," aniya at inayos ang mga papel.
"Malay mo nahihiya, o baka hindi marunong mag-first move," ani ko at tiningnan ang lalaki.
Kumakain na ito ngayon ng fries at sobrang bagal ng pagnguya niya. Nakatingin lang ito sa kanyang cellphone habang kumakain. Bigla namang lumaki ang dalawa kong mata matapos mahagip ang pagtingin niya kay Michael, pero mabilis lang iyon dahil iniwas niya agad ang kanyang mga mata.
"Oh my god! Tumingin siya sayo!"
"Huh? Sino?" Nagtataka niyang tanong.
BINABASA MO ANG
Angelic Demon (Darker Series #1)
FantasyI am just a normal teenage-girl. I don't believe in fairy tales. I am not even religious. But, everything changed after I met an angelic demon. He's the seventh messenger, and he came from hell. --- BOOK COVER BY @bini_nobela <3