21

194 28 19
                                        


Chapter 21

Angelus

"Thank you for coming, ma'am," masiglang bati ko sa customer na lumabas.

She smiled back at me pati na rin kay Kuya Dado na guard dito sa Burger Queen. Bumalik ako sa counter at naabutan si Michael na busy sa pagkuha ng orders sa mga nakapila na customer. Buti nalang at may dalawang bagong staff na na-hire kaya may katulong na si Michael.

Ngumiti ako sa kanya at pumasok sa kitchen. Naabutan ko si Mama Rosie na pinapagalitan ang bagong kitchen staff na lalaki.

"Kapag ganyan ang trabaho mo, sure ako na hindi mo kayang gawin ang iba pa. Hindi ba't nag-training kayo? Wala ka bang naintindihan?"

Napayuko ang lalaki dahil sa laki ng boses ni Mama Rosie. Ganyan na ganyan din ako dati noong nagsisimula palang ako. Lahat naman kasi ng bagay dumadaan sa hirap bago makuha.

"Mama Rosie, highblood nanaman kayo," ani ko sa kanya at hinagod ang kanyang likod.

Napabuga si Mama Rosie ng hangin bago umiling.

"Turuan mo nga ulit 'yan, Angelus. Baka iyan pa ang ikamatay ko," aniya sa akin at umalis.

Napatingin ako sa lalaki na kanina pa nakayuko. Ramdam ko ang pagkahiya niya dahil napapatingin sa amin sina Kuya Louie at Ate Gaile na nagluluto. Tinapik ko ang balikat ng lalaki at binasa ang name tag niya.

"Vincenzo," tawag ko sa pangalan niya.

"Po?"

"Usap muna tayo sa staff room," ani ko at nauna nang maglakad.

Sumundo si Vince sa akin at agad kong sinara ang pinto at hinarap siya.

"Okay ka lang?" unang tanong ko.

Pilit siyang ngumiti at tumango ng mahina. Namumula na ang mga mata niya at alam kong gusto niyang umiyak.

I really don't understand why men doesn't want others to see them cry. I mean, tao lang din naman sila. Seeing them cry cannot make them less of a man. Masyadong malakas ang impact ng validation ng society kaya sila natatakot na mahusgahan.

"Oks lang 'yan, oy. Ganyan din ako dati noong nagsisimula palang ako," saad ko sa kanya at tinapik siya sa balikat. "Alam mo ba kung ilang baso ang nabasag ko?"

Umiling siya. "Hindi po."

"Ask me," hamon ko.

"Lima?"

"Higher."

"Sampo?"

Umiling ako.

"Bente?"

Iling ulit.

"Mas marami pa sa bente?" hindi makapaniwala niyang tanong.

"Forty-five, hindi pa kasama 'yong mga pinggan. Halos araw-araw akong pinapagalitan ni Mama Rosie dahil palpak lagi ang paghuhugas ko. Pero hindi ako sumuko."

"Ang hirap po kasi, ate. Maayos naman ang training namin noon, pero sa actual na... Nangangatog bigla ang mga kamay ko," sagot niya.

"Nag-aral akong maghugas sa bahay hanggang sa naging-expert ako. Kaya ikaw, huwag kang mawawalan ng pag-asa. Sipag at tiyaga lang ang kailangan mo."

Excited siyang tumango sa akin at nag-vow pa ng kaunti.

"Sabihin mo, salamat shopee," biro ko.

"Salamat shopee," aniya kaya nagtawanan kaming dalawa.

Sinabihan ko pa siya ng ilang tips sa bago niyang trabaho bago kami lumabas. Mas-lalo na ngayong madami ang mga tao kaya bumalik agad kami sa trabaho namin.

Angelic Demon (Darker Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon