7

260 44 17
                                    

Chapter 7

Angelus

The nurse died earlier.

Siya 'yung sinundo ng Grim Reaper sa Burger Queen kanina. She was hit by a car habang tumatawid sa harap.

Hindi ko na tiningnan ang bangkay niya kanina dahil sa kaba. Sigurado rin akong alam ng Grim Reaper na nakikita ko siya.

Honestly, hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit nakakakita ako ng mga hindi pangkaraniwang nilalang. I can even see ghosts. Nagsimula lang ito last last week noong naging 18 ako. Ilang araw lang pagkatapos ng birthday ko ay nakakakita na ako ng mga multo at Grim Reaper.

Natakot ako noong una. Lalo na't mag-isa lang ako sa bahay at wala akong kasama. Pero ngayon ay unti-unti ko nang natatanggap. May mga kasama naman na ako sa bahay kaya alam kong safe ako kahit papaano.

Pero usually ang mga multo na nakikita ko ay hindi naman masasama. Nalaman ko rin na ang iba sa kanila ay hindi parin makatawid sa kabilang buhay dahil may gusto pa silang gawin at hindi nila tanggap na patay na sila.

I am actually curious kung paano makipagusap sa multo. Pero ayokong subukan dahil baka hindi ako makatulog gabi-gabi.

"What do you want to watch?" tanong ko kay Seven.

Pagkatapos kong magbihis ay napako na ako rito sa tabi niya para manuod ng Netflix series.

"Anything you want," he answered.

Sumilay ang isang malaking ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya. Netflix lang talaga ang kailangan ko para makapag-relax mula sa nakakapagod na trabaho sa Burger Queen. Plinano ko na rin na mag-avail ng account kapag nakaluwag-luwag na. Pero ngayon hindi na kailangan kasi sila na mismo ang nag-avail para sa akin.

"What is that all about?" litong tanong ni Seven habang pinapanuod ang intro ng Lucifer.

"Movie 'yan ng asawa ko!" kinikilig kong sagot sa kanya.

"Really? Do you even know who's Lucifer?"

"Syempre alam ko!" proud kong sagot at tiningnan siya. "Lucifer is a demon... ay hindi, Lucifer is a hot and yummy demon!"

Agad akong natawa dahil sa pagkunot ng hitsura niya. Kahit si Crow na nasa pintuan ng kitchen ay natawa rin dahil sa sinabi ko.

"You're fucking crazy," usal niya at itinoun ang atensyon sa panunuod.

Lagi nalang kumukunot ang noo ni Seven tuwing nagbibiro ako. Nagagalit din ang hitsura niya tuwing nakikipaglandian ako kay Crow. He always had this dark expression na kahit na sino yata ay masisindak kapag nakikita ang galit niyang mukha. But not me, though.

Wala siyang karapatan na magalit at tingnan ako ng masama kasi bahay ko 'to at hindi niya dapat ako aawayin para hindi ko siya mapalayas dito.

"That damn series is a hoax," he commented at the middle of our viewing.

Ako naman ngayon ang napatingin sa kanya na naka-kunot ang noo.

"At bakit mo naman iisipin na totoo iyan? Kalma lang, boi. Tv series lang 'yan at gawa galing sa imahinasyon ng isang tao. Grabe ang nega mo ha!" reklamo ko sa kanya.

"They should not create such series if they aren't gonna put realistic informations about demons!"

"Ay wow, galit na galit? Bakit parang kasalan ko? Ako ba gumawa ng series, huh? Manuod ka nalang kaya?" giit ko at nilakasan ang volume.

Nagcrossed-arms siya habang tinitingnan ng masama ang tv. Parang anytime soon ay babatuhin niya ito ng remote o babasagin gamit ang flower vase sa ilalim.

Angelic Demon (Darker Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon