37

183 19 15
                                    


Chapter 37

Angelus

"Crow, tao ako!" Sigaw ko ulit kay Crow habang nililigpit ko ang mga plato.

Kanina pa siya sunod ng sunod sa akin habang ako naman ay iwas ng iwas sa kanya. Pinagpipilitan niya kasi na hindi ako mortal, na isa akong demonyo tulad nila. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o matatawa. Para kasing malaking joke itong mga nangyayari sa buhay ko.

"Angelus, listen, you're not a mortal. Hindi mo ba napapansin ang mga pagbabago sayo simula noong tumuntong ka sa edad na 'yan? You've been ignoring all the clues."

"Nakakakita ako ng multo, matic na 'yon kasi baka may third-eye ako. Bukod doon wala naman na," ani ko at inilapag ang pinggan sa sink.

"How about the tattoo in your back?"

Agad akong natigil at nabitiwan ko ang kutsara dahil sa sinabi niya. Paano niya nalaman ang tungkol sa tattoo? Si Michael at Gabby lang ang may alam dito.

"I already knew since then na hindi ka normal. Noong nakakita ka ng Grimreaper sa Burger Queen, I already had a hunch. You've seen a high class Grimreaper, only demons can see them. Mortals with third-eyes are only meant to see ghosts, not extra-supernatural creatures like us. And also the angel? That was a guardian angel. Demons lang din ang nakakakita sa kanila. Can't you see? You do not belong here," mahaba niyang litanya.

Napahawak ako sa sintido ko at dahan-dahan itong hinilot. Hindi ko ma-process lahat ng sinasabi ni Crow, masakit sa ulo. Matagal na rin naman akong nagtataka sa mga bagay-bagay na nakikita ko. Lahat ng iyon ay alam kong hindi pangkaraniwan. Pero kasi, bakit ako? Sino ba talaga ako? Saan ba ako galing? Kahit ako wala akong alam sa sarili ko.

"I know you're questioning everything right now, but please. Please let me help you. I'm your friend, babe. I won't let you get harmed. All you need to do right now is to accept everything. We don't have much time, kailangan mong makapunta sa underworld."

Tuningnan ko ng mabuti si Crow at kitang-kita ko sa kanya ang frustration. Bumuga ako ng malalim na hininga bago nagsalita.

"I'm questioning everything kasi wala akong sagot sa mga katanungan ko, Crow. But it doesn't mean na kaya ko agad tanggapin lahat ng ito. Alam mo ba kung gaano kagulo ang utak ko ngayon? Tapos papupuntahin mo pa ako sa underworld? Para saan pa?"

"Para kay Seven," agad niyang sagot. "He's in trouble. Kapag nahanap ka ulit ni Aisthus dito, papatayin ka niya. Seven has been controlled and manipulated. Plano lahat ng ito ni Aisthus sa simula palang."

Kumunot ang noo ko sa kanya at naglakad papunta sa living room.

"Aisthus? Ang pinsan ni Lolo Florencio? Ano naman ang kinalaman niya?"

"Angelus, hindi siya pinsan ng Lolo mo. He's a demon from the council. He planned to locate and kill you para hindi ka makapunta sa underworld. The demon who puts you here in this house is gone already. Pinahanap ka ni Aisthus gamit si Seven. But Seven doesn't have any idea about this, na set-up lang siya. Now, I want you to please believe and trust me. Kapag napatay ka ni Aisthus, si Seven ang ituturo ni Aisthus na pumatay sayo. Kapag nangyari iyon, pareho kayong mawawala at si Aisthus ang papalit sa ina mong si Lilith."

"All this time, ang Lilith na pinaguusapan niyo ay ang totoo kong ina?" Hindi makapaniwala kong tanong.

Tumango si Crow. "And your father is an archangel named Amadeus, he's a powerful angel from the upperworld," sagot niya.

"Pero wala akong powers kagaya niyo, Crow."

"It is because you are not fully developed yet, hindi ka pa nakakatuntong sa underworld," aniya. "Please go with me, Angelus. We need to save Seven and your mother. We need to save the underworld."

Angelic Demon (Darker Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon