23

183 27 12
                                    


Chapter 23

Angelus

Binigyan ako ni Crow ng tubig at pinaupo sa sofa.

Patuloy parin sa pagbuhos ang mga luha ko at lalong sumisikip ang aking dibdib. Hindi ako makahinga ng mabuti dahil sa nararamdamang sakit at pangungulila.

"Can you please stop crying?" Mahinang bulong ni Seven sa akin habang pinapahid ang luha ko gamit ang dulo ng suot niyang suit.

Hindi na niya ako nilubayan simula kanina sa pagyakap ko ng mahigpit sa kanya.

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa naramdaman ko ang paghinto ng mga luha ko. Sumabay pa ang kaninang pagod sa trabaho at ang pag-iwan ko kay Wallace sa restaurant pagkatapos naming kumain.

"Why are you crying?" Tanong sa akin ni Crow nang tumigil ako sa pagluha.

Pinunasan muna ni Seven ang natutuyo kong mga luha bago ako nagsalita.

"One of my colleagues died. At bukas ang anniversary nina Lola Agustina at Lolo Florencio," sagot ko.

"What's the name of your colleague?" Tanong ni Seven at kinuha sa kamay ko ang baso ng tubig.

"Laura."

"She died because of an accident," Ani Crow at sumandal sa sofa.

Tumango ako at niyakap ang dalawa kong tuhod.

Aksidente daw ang ikinamatay ni Laura dahil may bumangga sa kanyang sasakyan. Hindi pa nalalaman kung sino ang driver kaya hanggang ngayon ay wala kaming alam.

Ilang araw na rin kasi siyang hindi pumapasok sa trabaho at wala siyang ibang pinagsabihan kahit pa ang bestfriend niya.

Hanggang ngayon ay hindi ko parin tanggap dahil noong isang araw lang ay nagusap kami tungkol sa plano niyang pagkuha ng pwesto sa palengke para sa nanay niya. Tapos ngayon bigla nalang ganito ang mangyayari.

"What do you usually do kapag anniversary ng Lola at Lolo mo?" Tanong ni Crow.

"Noong buhay pa sila, palaging nagluluto si Lolo Florencio ng pritong baboy at pumupunta kami sa beach. Pero simula noong nawala silang dalawa, binibisita ko nalang sila sa sementeryo," sagot ko.

Bigla namang tumayo si Seven at inayos ang kanyang suot.

"Let's go! Let's visit them," aniya at sinuot ang sapatos.

Mabilis siyang binato ng maliit na unan ni Crow kaya napangiti ako. Mukha kasi talaga siyang seryoso sa sinabi niya at kung hindi siya pipigilan ay talagang aalis siya.

"Why?" Confused niyang tanong at tumingin sa amin.

"It's fucking midnight!" Singhal ni Crow sa kanya.

Bumilog ang labi ni Seven at bumalik sa pagupo sa tabi ko. Napailing naman si Crow dahil sa inasta ng kaibigan. Minsan talaga napapaisip ako kung bakit naging apprentice ni Seven si Crow. Kung titingnan mo kasi silang dalawa mas-marami ang alam ni Crow kesa sa kanya. Naisip ko tuloy na ang weird din ng mga demonyo.

"Wait may tanong pala ako," ani ko sa kanilang dalawa.

Sabay silang napatingin sa akin at kita sa mukha nila na gusto nilang marinig ang tanong ko.

"Kasi 'di ba? Nakakakita ako ng multo, pero hindi ko sila nakakausap. Bakit hanggang ngayon hindi ko nakikita ang kaluluwa nina Lola Agustina at Lolo Florencio?"

"Probably because your Lolo and Lola are already in the upperworld. If people died, their soul will stay here in the mortal world for about 10 to 15 days. But it depends if the soul is not yet ready to cross the bridge," paliwanag ni Crow at itinuon ang atensyon sa T.V.

Angelic Demon (Darker Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon