Chapter 15Angelus
"Ito na po ang order niyo, ma'am."
Inilapag ko sa mesa ng customer ang order niyang pasta at fries. Ngumiti siya sa akin at nagpasalamat bago ako umalis.
Napawi ang ngiti sa labi ko at walang emosyon na bumalik sa counter.
Lagpas isang buwan ng hindi nakakabalik sa bahay sina Crow at Seven. Excited pa nga ako noong nakaraan baka kasi bigla silang dumating. Naglinis ako ng buong bahay at pati kwarto nila nilinisan ko na rin.
Pero walang Crow at Seven na nagpakita. Mukhang iniwan na nila ako ng tuluyan. Wala na yata silang balak na dumating.
"Hoy! Angelus! Anyare sayo? Bakit mukhang pinagsakluban ka ng langit at lupa?" inis na tanong ni Michael sa akin.
Inirapan ko siya at bumuntong hininga.
"Gusto ko ng magka-jowa," biro ko.
Sarkastiko siyang tumawa at hinablot ng mahina ang buhok ko.
"Choosy ka kasi! Ang pogi-pogi ni Lance tapos hindi mo pala sasagutin."
"Aanhin ko ba kapogian niya kung babaero naman? No thanks, mas prefer ko pang jowain si Se---"
Naputol ang sasabihin ko nang biglang pumasok sa isipan ko ang mukha ni Seven. Mabilis akong umiling at inalis siya sa isipan ko.
"Sino?" curious na tanong ni Michael.
"Si ano! Si Sean! 'Yong anak ni Mama Rosie?" pagdadahilan ko.
"Gaga ka ba? Hoy! May asawa na 'yon!" hysterical na saway ni Michael sa akin.
Tinapunan ko lang siya ng pekeng tawa at kinuha ang panibagong order. Tiningnan ko ang number at mabilis na pumunta sa table.
Nakita ko ang customer na magandang babae. Nakatingin siya sa labas habang taimtim na naghihintay. Hindi siya familiar at mukhang first time niya rito.
"Hi, ma'am! Here's your order po," ani ko sa kanya.
Bumaling ang tingin niya sa akin at agad na kinuha ang order niya.
"Thank you, uh... Pwede bang makahingi ng tissue?" mahinhin niyang tanong.
Mabilis akong tumango at kumuha ng tissue sa counter. Pagbalik ko sa kanya ay nagpasalamat ulit siya.
Pero hindi pa ako nakakaalis ay may biglang umupo sa harap niya. Napatingin ako sa bagong dating at nakita si Lucas. 'Yong crush ni Michael!
"Hi, sorry traffic," ani ni Lucas sa babae.
Mabilis akong umalis sa harap nila dahil mukhang seryoso ang paguusapan. Napatingin ako kay Michael na nakatulala habang nakatingin kay Lucas at sa babae.
"Olats, sis. Mukhang may girlfriend," wika ko kay Michael at hinagod ang balikat niya.
Mukhang natauhan si Michael sa ginawa ko at mabilis na umayos ng tayo.
"Ano ka ba! Wala naman kaming label," aniya at tumawa ng mapakla.
Nagbago bigla ang expression ng mukha niya at napalitan ito ng lungkot. Araw-araw na masaya si Michael tuwing nagtatrabaho kasi lagi niyang kini-kwento sa akin ang paguusap nila ni Lucas.
Tapos ngayon nandito si Lucas at my katagpuan pang babae. Sana manlang sa ibang kainan niya nalang dinala.
"Sis, pa sub naman," mahinang bulong ni Michael sa akin at mabilis na pumasok sa kitchen.
BINABASA MO ANG
Angelic Demon (Darker Series #1)
FantasyI am just a normal teenage-girl. I don't believe in fairy tales. I am not even religious. But, everything changed after I met an angelic demon. He's the seventh messenger, and he came from hell. --- BOOK COVER BY @bini_nobela <3