13

223 31 10
                                    


Chapter 13

Angelus

One week without Crow and Seven is already hell. How about one month? Sobrang nakakamatay!

It's already saturday at kanina pa napako ang paningin ko sa labas ng Burger Queen. People are passing by. The cars are honking. The raging heat from the sun is giving me hopeless breathings.

Miss ko na si Crow, miss ko ng very very light si Seven.

Sobrang tahimik ng bahay kasi wala silang dalawa. Bumalik na ulit ako sa paglilinis kasi wala si Crow. Araw-araw akong nagigising sa bahay na walang ibang tao maliban sa akin.

Nandoon pa rin naman ang iba nilang mga gamit pero ang gumagamit hindi parin umuuwi.

Kumusta kaya sila? Sana hindi sila malagay sa panganib. Alam ko naman na may posibilidad na masaktan sila sa kanilang trabaho, pero sana walang mangyari na masama sa kanila. I can't stand seeing them in pain. Sa halos isang buwan na pagsasama naming tatlo medyo na-attached na sila sa akin. Lalo na si Crow.

Ngayon, para akong isang lantang gulay na naghihintay sa pagdating nila.

"Earth on Angelus!" sigaw ni Michael sa tenga ko.

Mabilis ko siyang hinampas sa balikat dahil sa ginawa niya. Nagulat pa ako kaya tinawanan ako ng ibang kumakain.

"Epal nito!" asik ko sa kanya.

"Oh, bakit? Kanina ka pa diyan tulala sis, hindi ka naka-booking kagabi?"

"Hindi ako kasing-pokpok mo, gaga!" rebat ko sa kanya sabay tawa.

Ibang level din kasi mang-asar itong si Michael, kung hindi ko lang 'to kaibigan malamang kanina ko pa 'to sinapak.

"Hoy! Kumusta nga pala kayo ni Lucas? Mukhang may nabutas na ah?" Biglang nanlaki ang mata ni Michael sa akin at agad akong kinurot sa hita.

"Kaloka kang babae ka! Saan mo nakuha 'yan?" hysterical niyang tanong at pinandilatan ako ng mata.

Tumawa ako dahil sa reaksyon ng mukha niya. Namumula na kasi ang pisngi at mga tenga niya. Mukhang tama ako sa hinala ko!

"Asos, pakipot ka pa! Ano na? Noong isang araw mo pa iniiwasan ang mga tanong ko!"

Biglang ngumiti ng mahinhin si Michael at tinakpan ang bibig niya. Pa virgin pa ang gaga!

"Date daw kami bukas," bulong niya sa akin.

Nagtinginan kaming dalawa sabay tili ng mahina. Pigil na pigil ang boses naming dalawa dahil baka ma-disturbo namin ang mga kumakain.

"Grabe! Ang haba ng buhok mo!" tili ko sa kanya at hinila ang buhok niya.

"Alagang rejoice, girl!" aniya at sumayaw pa.

Pagkatapos ng ten minutes break namin ay agad kaming pumwesto sa trabaho. Weekend nanaman kaya marami ang customers. Mago-overtime nalang ulit siguro ako ngayon dahil wala naman akong uuwian na tao sa bahay.

Dini-distract ko nalang ang sarili ko sa pagtatrabaho para hindi sila maisip na dalawa.

Akala ko ay buong araw na payapa ang isip ko, pero agad itong napalitan ng inis dahil sa isang customer na biglang pumasok.

Nakasuot siya ng blue polo na floral at naka-tuck in sa suot niyang jeans. Halata rin na mamahalin ang sapatos niya dahil sa logo ng brand. Hinubad niya ang suot niyang shades at inilagay sa kanyang ulo. He smiled at me pero nag-iwas agad ako ng tingin.

Bakit nandito itong babaero na 'to?

"Lance!" excited na sigaw ni Michael kay Lance.

"Hi," ngiting aso na bati ni Lance sa kanya.

Angelic Demon (Darker Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon