11

209 32 3
                                    


Chapter 11

Angelus

The moment I woke up, I felt my head spinning. Parang lumulutang ako sa hangin pero umiikot ang paligid ko.

Then memories from last night came rushing towards my head.

Tangina!

Napahawak ako sa ulo ko at dahan-dahang umupo sa kama. Bigla kasing pumasok sa isip ko ang ginawa ni Seven kagabi sa bar. Bakit ba pumunta ang lalaking 'yon?

Teka, sumuka ba ako?

Napapikit ako ng mariin ng biglang bumukas ang kurtina at pumasok ang sinag ng araw galing sa window glass. Naaninag ko ang isang lalaking papalapit sa kama ko.

"You okay, babe?" boses ni Crow.

Tiningnan ko siya at umiling.

"Umiikot ang paligid."

Mahina siyang natawa at may kinuha sa bedside table. Inilapag niya ang isang tray ng juice at dalawang tablet na hindi ko alam kung ano.

"Drink these," aniya at ibinigay sa akin ang laman ng tray.

"Pakasal na tayo, Crow." biro ko sa kanya na agad naman niyang sinuklian ng tawa.

"Maybe next time."

Crow is still wearing his pajamas at mukhang kakatapos niya lang magluto. Simula noong dumating siya dito hindi na niya nilubayan ang kusina.

I felt a little guilty, tho. Ako kasi ang babae, so dapat ang gagawa ng gawaing bahay. But then Crow insisted na wala daw sa gender ang paglilinis. Kaya ayon, crush ko na ulit siya.

"Where's... Your friend?" I sounded casual para kunyari normal ang pagtatanong ko.

I'm not curious kung nasaan ang lalaking iyon, gusto ko lang malaman kasi baka bigla 'yon pumasok, mahirap na.

"He's eating in the dining room, wanna eat now?" He immediately folded my blanket and placed it on the far side of the bed. Na amaze ulit ako dahil sa galing niya magtupi ng blanket.

"Shower muna ako, Crow. Thanks for these."

He nodded his head and headed out the door. Habang nasa loob ng shower ay bigla ulit pumasok sa isip ko ang ginawa ni Seven kagabi. Lance is with me habang sumasayaw kami sa dancefloor. Tapos bigla nalang pumasok si Seven sa eksina.

I know Lance is being a little bit touchy already, at nagpapasalamat naman ako dahil hinatak agad ako ni Seven.

Lance was one of my ex-flings way back in high school. He wanted more between our flirtatious acts, pero umayaw ako. Hindi ko nga ibinigay ang pagkababae ko kina Crow at Seven, sa kanya pa kaya? No way!

Pagkatapos kong magbihis ay dumeretso na ako papunta sa dining area. Habang naglalakad ay iniisip ko na ang idadahilan kay Gwen at Michael kapag nagkita kami. Sure ako na hindi nila ako titigilan ng tanong tungkol kay Seven.

Speaking of Seven, naabutan ko siyang umiinom ng tubig habang nakaupo sa island counter. Crow is cooking something kaya nakatikod siya sa akin.

Seven immediately raised his eyebrows nang makita ako.

"How's the sleep of our princess?" sarcastic niyang tanong habang papalapit ako sa mesa.

"I dreamed a lot, my lord." I remarked.

Napatingin na rin si Crow sa akin at agad na lumapit habang dala-dala ang niluto niya.

"Good morning, Crow," masigla kong bati sa kanya. Hindi nga pala ako nakapag-good morning sa kanya kanina.

Angelic Demon (Darker Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon