17

201 33 12
                                    


Chapter 17

Angelus

"Because I want to see you."

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Mariin ang titig niya sa akin at ramdam ko ang pagtagos ng tingin niya hanggang sa kaloob-looban ko.

Alam ko ang mga salitang 'yan. Gayang-gaya niya ang sinasabi ng mga nakalandian ko dati. Sawang-sawa na ako sa mga linyang ganyan. Kung sa pagkain pa, bulok na.

Pero bakit sa kanya, parang... Kakaiba?

Hinintay ko na sasabihin niyang joke lang iyon, pero tinitigan niya lang ako. Nag-iwas agad ako ng tingin sa kanya dahil nakaramdam ako ng pagkailang.

"Crush mo lang ako eh," biro ko.

"Pssh."

"Alam mo, akala ko dati seryoso kang tao. Lowkey malandi ka rin pala," asar ko sa kanya at tinitigan siya.

"Lowkey what?"

Umirap ako at umiling. Pakunyari pa ang isang 'to. Hindi siya mukhang inosente kahit mala-anghel ang mukha.

"Nevermind, iligpit mo 'yang pinagkainan mo after mong kumain," utos ko sa kanya.

Umalis ako sa dining area at bumalik sa living room. Nakatuon na ang atensyon ni Michael at Gwen sa T.V at seryoso sa panunuod. Nang makaupo ako sa tabi ni Michael ay agad niyang hinampas ang balikat ko.

"Pota, bakit?" Gigil kong sabi sa kanya.

"Maharot kang gaga ka! Hindi mo sinabi sa amin na may nakatira palang anghel dito!" pabulong pero gigil niyang sabi sa akin.

Tumawa muna ako ng malakas bago kumuha ng beer at uminom. Expected ko naman na ganito ang sasabihin niya.

"I thought he's just your kaibigan, Angelus? Why are you guys nakatira sa isang bahay?" Confused na tanong ni Gwen at sumandal sa couch.

"Technically, this is not my house. Kina Lola Agustina ito. Pamangkin siya kaya may karapatan siyang tumira rito."

Dapat talaga bigyan ako ng award sa pagsisinungaling ko. Baka nga nasa blacklist na ako ni San Pedro at bawal na akong pumasok sa langit. Si Gwen naman ang daling maniwala. Paano nalang kaya kung nandito rin si Crow? Malamang bobombahan talaga ako ni Michael ng mga tanong.

"Ang sarap sa mata ng abs niya kanina. Tapos ang mukha pang international na model. Leche ka ang swerte mo, sis!" tili ni Michael at kinurot ang balikat ko.

"Matambok rin pwet niya, try mo hampasin," biro ko.

"Ay, ayoko. Baka bigla akong suntukin. Feeling ko makakapatay ang kamao niya kapag tumama sa mukha."

Napatawa ako ulit dahil sa sinabi niya. Naalala ko kasi 'yong nakasuntukan niya sa bar last year dahil nambastos kay Gwen. Buti nalang nagiging lalaki siya kapag kami magkasama. Pero kung si Seven nga ang sumuntok sa kanya parang nakakatakot. Mas-matangkad din kasi iyon kay Michael, feeling ko kapag nagsuntukan sila bagsak agad itong kaibigan ko.

"May girlfriend ba siya?" biglang tanong ni Gwen kaya natigilan ako. Kumakain na siya ngayon ng mani.

"Bakit mo naman natanong?"

"I like him, gusto ko siyang maging boyfriend," deretso niyang sagot sa akin kaya nabuga ko ng malakas ang iniinom kong beer.

"Yuck! Tangina, Angelus ang laway mo nasa mukha ko!" Maarteng bulyaw ni Michael at pinunasan ang mukha niya.

"Anong sabi mo?" gulat na tanong ko kay Gwen at hindi pinansin si Michael.

"I want him to be my boyfriend nga! Why are you so gulat?"

Angelic Demon (Darker Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon