LAST HISTORY

251 17 5
                                    


Special chapter


Lilith

Unang tapak ko palang sa underworld ay agad akong hinuli ng apat na Henchmen galing sa council. Wala akong imik na sumunod sa kanila papunta sa council's den. Ito ang lugar kung saan nagtitipon ang lahat ng makapangyarihang demonyo. Maliban kay Lucifer na hindi nagpapakita sa kahit na sino, maliban sa akin.

Bumukas ang malaking bato at bumungad agad ang maliwanag na kwarto na lulan ang labing-limang demonyo na nakaupo sa mga bato kasama na si Aisthus na nakangiti sa akin. Yumuko ako hanggang sa tumapat ako kay Alastair na masama ang tingin sa akin. Siya ang sumunod sa akin na ginawa ni Lucifer.

Narito ngayon ang apat na prinsipe ng underworld na sina Azazel, Dagon, Ramiel at Asmodeus na Heneral ng hukbo ni Lucifer.

"Buti naman ang naisipan mo pang bumalik, Lilith," sarkastikong wika ni Aisthus.

Labing-limang mata ang nakatingin sa akin ngayon at lahat sila ay alam kong galit at nagdududa.

"Anong ginawa mo sa mundo ng mga mortal, Lilith?" Paunang tanong ni Alastair sa akin.

Yumuko ako at lumuhod sa harap niya. Isa itong paraan para humingi ng kapatawaran.

"Ako'y nagkasala, Alastair. Nakipagnaig ako sa isang anghel," pagaamin ko.

Wala narin naman kasing silbi kung magsisinungaling pa ako dahil alam kong alam nilang lahat ang ginawa ko. Malamang ay si Aisthus ang nagsabi dahil siya naman lagi ang nagbibigay ng balita kay Alastair at sa apat na prinsepe.

"Alam mo ba kung gaano ka delikado at kawalang-hiya ang ginawa mo?" Biglang salita ni Ramiel.

Kung si Alastair ay mahinahon at marunong mag-isip, kakaiba si Ramiel dahil sinusunod lang niya ang sariling prinsepyo.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nagtagpo agad ang aming mga mata. Naaninag ko ang pagka-dismaya sa kanyang mga mata kaya napalunok ako ng laway. Pinaka-ayaw kasi ni Ramiel sa lahat ay ang mga traydor.

"Alam ko lahat ng kamaliang ginawa ko, Ramiel. Kaya labis ang pagsisisi ko ngayon at gusto kong humingi ng kapatawaran sa inyo lalo na kay Lord Lucifer."

"Madadala pa ba ng kapatawaran ang ginawa mo, Lilith?" Natatawang singit ni Aisthus.

"Manahimik ka, Aisthus!" Malakas na sigaw ni Azazel na siyang ikinagulat ng lahat.

Bihira lang kasi magsalita si Azazel at kapag nagsalita na siya ay lahat talaga natatakot. Kakaiba rin ang estilo ng pagiisip niya dahil naglalaro siya ng maliit na apoy sa kamay bago magsalita.

"Traydor ang demonyong 'yan, Azazel! Isang malaking kasalanan ang makipag-ugnay sa kahit na sinong anghel ang lahat ng demonyo!" Sigaw rin ni Aisthus pabalik.

"Si Lilith ang head ng council na ito kaya wala tayong karapatan na basta-basta nalang magdisesyon."

"Pero hindi pa ba sapat na dahilan ang ginawa niyang kasalanan para hindi siya patawan ng kapatawaran?" Galit na tanong ni Aisthus.

"Umalis ka dito, Aisthus," matigas na wika ni Dagon na kanina pa tahimik.

Nagbulong-bulongan ang ibang myembro ng council at natigilan si Aisthus.

"Anong sabi mo, Dagon?"

"Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko, umalis ka rito!" Sigaw nito.

Tiningnan muna ako ng masama ni Aisthus bago niya nilisan ang buong kwarto. Pwedeng paalisin ni Dagon si Aisthus sa isang pagpupulong dahil nasa mababang ranko lang si Aithus kumpara sa aming lahat. Ako ang tumanggap sa kanya papasok ng council dahil akala ko ay maaasahan siya. Pero ngayon ay nalaman ko na ang totoo niyang pakay at iyon ay ang agawin ang trono ko.

Angelic Demon (Darker Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon