Chapter 9Angelus
Wala akong ideya kung gaano kapanganib ang trabaho ng mga agent.
After that night kung kailan umuwi sina Crow at Seven galing sa mission na duguan, masasabi kong sobrang delikado talaga ng trabaho nilang dalawa.
Walang sugat si Crow pero may mga dugo ang kamay niya. And Seven has a gunshot pero daplis lang naman. Abot hanggang second floor ang kaba ko dahil sa nangyari sa kanila.
Sabayan mo pa ng simpleng pagyakap ni Seven sa akin na alam ko naman na gusto lang chumansing sa kaseksihan ko. Kunyari pang nasasaktan eh daplis lang naman ang sugat niya. Buti nalang at magaling na ang kanyang mga kamay kaya magagamit niya na ito ng maayos.
Sinabi sa akin ni Crow na may nakasagupa silang mga drug addict sa club kaya nangyari ang barilan. Expert naman daw si Crow kaya hindi siya nasugatan, maliban kay Seven na nachambahan daw ng kalaban.
Dahil sa nangyari ay lalo ko siyang inasar na mas magaling si Crow sa kanya. Tinitingan niya lang ako ng masama pero hindi naman ako nasisindak sa mga titig niya kaya wa-epek parin ang inis niya sa akin.
"Hoy! Seven! Lumabas kana! Ang bagal mong magbihis!" sigaw ko sa kanya sa labas ng kanyang kwarto.
It's already sunday at naisipan kong mag-grocery para sa supplies namin.
Si Crow ang niyaya ko pero hindi raw siya sasama kasi may iba siyang pupuntahan. No choice tuloy ako kung 'di ang pagtiyagaan ang mukha ni Seven.
Bumukas ang pinto niya at agad akong natulala sa suot niyang black na shirt at jacket. Pati ang jeans at sapatos niya black.
"Seryoso? Wala ka na bang ibang kulay ng damit maliban sa black? Grocery store po ang pupuntahan natin, hindi funeral," inis kong saad sa kanya.
Tiningnan niya ang kanyang sarili at kumunot ang kanyang noo.
"What's wrong with wearing black? I love the color and it fits my personality, so why bothered? Black is beautiful, you know."
Mabilis ko siyang inirapan dahil sa pinagsasabi niya.
"Kailan ka pa naging advocate ng color black?" sarcastic kong tanong sa kanya habang pababa kami ng hagdan.
"Three minutes ago, after you insulted my clothes."
"Hindi 'yon insulto, tanga! Tinatanong ko lang naman kung may iba ka pabang damit na hindi kulay black, sobrang emo kasing tingnan sayo."
Hindi siya nagsalita kaya napatingin ako sa kanya. He's staring at me intently kaya napangisi ako.
"Anong klaseng tingin ba 'yan? Crush mo na ako?" deretso kong tanong habang nakangiti.
"You look like a kid." nilagpasan niya ako at nauna siyang lumabas ng pinto.
"Hoy! Walang hiya ka! Bawiin mo 'yang sinabi mo!"
Hinabol ko siya hanggang sa labas ng gate. Ramdam ko na ang pamumula ng mukha ko dahil sa inis.
Tawagin ba naman akong bata? Mas matangkad lang naman siya sa akin pero kung makapang-insulto siya sa suot ko. Nako! Nakakapang-gigil talaga ng lalaking 'yon! Ang sarap putulan ng hinaharap!
"Hoy! Bakla! Bawiin mo 'yong sinabi mo!" gigil kong sigaw sa kanya.
Nasa labas na kami ng bahay pero huminto siya sa paglalakad dahil sa narinig.
"Stop calling me that!"
"Ang ano? Na bakla ka? Bakit totoo naman 'di ba?"
"Call me that again and I'll---"
BINABASA MO ANG
Angelic Demon (Darker Series #1)
FantastikI am just a normal teenage-girl. I don't believe in fairy tales. I am not even religious. But, everything changed after I met an angelic demon. He's the seventh messenger, and he came from hell. --- BOOK COVER BY @bini_nobela <3