Chapter 19Angelus
Kahit noong bata pa ako ay hindi na talaga ako naniniwala sa mga fairytales. Sinong tanga ba ang maniniwala sa nga dragon? Mangkukulam? Multo? Demonyo? Tsaka, mga Anghel?
Akala ko kasi dati realidad lang ang meron ang mundo. Hindi ko alam na sa realidad pala nakatago ang mga kasinungalingan.
Kagaya ngayon, nakaupo ako sa sofa kasama ang tatlong demonyo. Kanina lang inatake kami ng masasamang elemento na hindi ko alam kung ano ang tawag.
Hindi ako naniniwala sa mga ganito, pero nangyayari sila. Nakikita ko mismo sa dalawang mata ko.
Nakakatakot man isipin, pero wala akong choice kung 'di ang tanggapin.
"Bakit niya ako nakikita?"
Napatingin ako sa babaeng demonyo na tinawag nilang Siera kanina. Nakaupo rin siya sa sofa na para bang pagmamay-ari niya ito. Maikli ang kanyang buhok na hanggang leeg at madilim ang ilalim ng mga mata niya. Payat at makapal ang labi pero hindi siya kasing puti ni Seven.
"Pre-recognition, nahawakan ko siya noong napadpad ako rito," si Seven ang sumagot.
Tumaas ang kilay ni Siera at pinagmasdan ako ng mabuti.
"She's a mortal. Alam niyo naman kung gaano kadelikado kapag nalaman ito ni Aisthus 'di ba? Madadamay siya," seryoso niyang sabi.
Napansin ko ang pagkuyom ng kamao ni Crow kaya alam kong hindi niya gusto ang naririnig. Ibang-iba na siya sa Crow na kilala ko. Pati ang kanyang personalidad ay biglang nagbago.
"Why the hell are you here, Siera? You got a lot of hearings. Sinasayang mo ang oras mo dito," walang emosyon na tugon ni Crow kay Siera.
Sumilay ang ngiti sa labi niya at umiling. Kahit sa mukha palang ni Siera ay sigurado akong hindi siya pangkaraniwang demonyo. Magkakilala din silang tatlo kaya alam kong may something sa pagitan nila. Hindi nga lang ako sigurado kasi hindi ko naman maintindihan ang pinaguusapan nila.
"I already told you, gusto kitang---"
"Bulshit!" Malakas na sigaw ni Crow kaya napaigtad ako dahil sa gulat. "Don't give me that kind of excuse!"
"Okay, okay. Calm down. Pwede namang magusap na walang sigawan, right?" Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita ulit. "I came here because something happened in the underworld."
Underworld? Saan 'yon? Sa ilalim ng mundo? Hindi ko gets.
"Why? Anong nangyari? May nakatakas nanaman na demonyo?" Tanong ni Seven.
Umiling si Siera bago sumandal sa sofa. "Lilith, she's back," sagot niya.
Naramdaman kong napatingin si Crow kay Siera at napakunot naman ang noo ni Seven. Kung sino man ang Lilith na 'to ay halatang malaki ang epekto niya sa kanilang dalawa.
"What? How? She was dragged through the deepest part of the Darkest Dungeon! No demon came back after being abandoned there. Paano nangyari 'yon?" Sunod-sunod na salita ni Seven.
Nagkibit-balikat si Siera at napahawak sa kamay niya.
"The council is expecting Lilith to take back her position. And there is still no order from Luficer."
Napaawang ang labi ko dahil sa huling pangalan na sinabi niya. Lucifer? The hottest demon living in hell? Totoo siya?
"Then why are you here? Anong pakialam namin sa pagbabalik ni Lilith?" Inis na tanong ni Crow.
"Well, Lilith wants to see all the messengers for her own purpose. She wants to locate her son's whereabouts."
Napakamot ako sa sintido ko dahil sa pagkahilo. Hindi ko talaga gets ang sinasabi ni Siera at wala akong ideya sa mga nangyayari. Kinakabahan parin ako at wala yata ako sa huwisyo para makapagsalita pa. Hindi parin naaalis sa utak ko na may mga kasama ako ngayong demonyo.
BINABASA MO ANG
Angelic Demon (Darker Series #1)
FantasyI am just a normal teenage-girl. I don't believe in fairy tales. I am not even religious. But, everything changed after I met an angelic demon. He's the seventh messenger, and he came from hell. --- BOOK COVER BY @bini_nobela <3