HISTORY 2

150 15 3
                                    


Special chapter


Lilith

Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog at ang una ko agad nakita pagkamulat ko ng mata ay si Amadeus. Nakayakap siya sa akin habang ang isang paa niya ay nakapatong sa hita ko. Naramdaman ko rin ang kanyang hininga sa aking leeg dahilan kung bakit ako nakikiliti.

Napangiti ako at hinaplos ang mukha niya.

Sa lahat ng mortal na nakilala ko ay si Amadeus lang ang natatanging nakakuha sa akin ng buo. Wala akong pinagsisihan sa nangyari sa aming dalawa dahil ginusto ko ito at handa akong ulit-ulitin ito sa kanya.

Natatawa nga lang ako dahil hindi niya pa alam ang totoo kong pangalan pero nakasama ko na agad siya sa kama ko.

Dahan-dahang dumilat ang mga mata ni Amadeus kasabay ng pagngiti niya. Hinawakan niya agad ang mga labi ko bago niya ako hinalikan ng mahinhin. Ang halik na nagpatibok ng malakas sa puso ko.

"Pwede ko na bang malaman ang pangalan mo?"

Pumungay ang kanyang mga mata at naakit agad ang buong kalamnan ko dahil sa ginawa niya.

"Lilith," mahina kong bulong at sumiksik sa kanya.

"Ang ganda ng pangalan mo, kasing ganda ng buo mong mukha," aniya.

Mahina akong natawa at hinaplos ko ang kanyang braso pababa sa kanyang kamay. Kahit ang kanyang katawan ay kakaiba ang epekto sa akin. Masyadong gwapo si Amadeus at wala na yatang makakapantay sa kanya kahit si Lucifer.

"Gabi na pala, hindi ka ba nagugutom?" Tanong niya sa akin.

"Kumain na tayo," ani ko at dahan-dahang tumayo.

Sandali pa akong umupo sa kama dahil nakaramdam ako ng sakit sa masilan na bahagi ng katawan ko. Masyado kasing malakas si Amadeus at mukhang gigil na gigil talaga siya na angkinin ako.

"You okay?" Tanong niya habang nagluluto sa kitchen ko.

Tumango ako saka ako umupo sa upuan paharap sa kanya. Bumalik siya sa pagluluto at nakatitig lang ako sa malapad at malaki niyang katawan. Mas matangkad kasi si Amadeus sa akin kaya nakatingala ako ng kaunti.

Mabilis siyang nagluto at parang matagal na niya itong ginagawa. Sanay na sanay kasi siya sa mga gamit kaya napangiti ulit ako.

"You've been smiling since we woke up, anong meron?" Curious niyang tanong at inilapag ang niluto niya sa dining table.

"Masaya lang," pakunwari kong sagot.

"Really? Should we do it again?" Tanong niya.

Napailing nalang ako dahil nagtaas-baba pa ang kanyang mga kilay habang nakatitig sa akin.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam si Amadeus na babalik muna sa kwarto niya para maligo. Ako naman ay nag-ayos ng kwarto ko at nagpalit ng damit. Naligo na rin ako kasi may malagkit akong nararamdaman sa ibaba ko.

After ng lahat ng ginawa ko ay agad akong humiga sa kama at natulog. Kinabukasan ay maaga akong umalis para hanapin ulit ang anak ni Lucifer. Sa kabilang bahagi naman ako ngayon maghahanap dahil tapos na ako doon sa kabila. Sumakay ako ng bus at agad na pumunta sa mga sikat na lugar na pinupuntahan ng mga mortal kagaya ng mall at parke.

Angelic Demon (Darker Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon