Chapter 29Angelus
Mariin ang titig ko sa sarili sa harap ng salamin habang inaayos ang suot kong white na dress. Hindi ko alam kung kailan ang huling suot ko nito dahil hindi naman ako mahilig sa mga ganitong damit.
Bigay ito sa akin ni Lola Agustina noong fifteen ako. Masyadong malaki sa akin kaya hindi ko muna sinuot. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok at huminga ng malalim.
Bakit ba kasi ako pumayag na makipagdate sa demonyong 'yon?
Friendly date lang naman daw kasi gusto niyang magsorry sa akin dahil sa ginawa niyang paghalik sa labi ko. Ewan ko kung matatawa ako, o magagalit.
Hindi ko naman kasi siya sinisisi sa halik. Kahit first kiss ko 'yon, parang okay lang naman sa akin na sa kanya napunta. I was also a bit drunk kaya hindi ko siguro siya napigilan agad. Na-shocked kasi ako ng very slight at natauhan lang noong bumagsak siya sa balikat ko dahil nakatulog.
"Babe?" Sigaw ni Crow sa labas ng kwarto ko.
"Yes?"
"Seven is waiting for you downstairs," sagot niya.
"Okay! Patapos na ako!"
Mabilis kong inilagay ang earings ko at kinuha ang purse sa bedside table. Sinilip ko muna saglit ang sarili ko sa salamin bago binuksan ang pinto at lumabas.
Nasa itaas palang ako ng hagdan ay napatayo na agad si Seven at tinitigan ako sa mata. Nakasuot siya ng itim na long-sleeve at itim na slacks. Nakasabit sa balikat niya ang itim na tuxedo at sinuklay niya ang medyo mahabang buhok gamit ang mga daliri.
Ang gwapo.
Nakita ko na siyang nakasuot ng ganyang damit pero hindi pa ang tuxedo. Nalula tuloy ako dahil feeling ko pupunta kaming dalawa sa prom. Wala kasing program na ganyan sa school kaya hindi ko na-experience.
"Kanina ka pa?" Tanong ko.
"Not really," maikling sagot niya at lumunok ng laway.
Hindi niya parin inaalis ang titig niya sa akin kaya napangiti ako. Bakit hindi nalang kasi sabihin na ang ganda ko, diba?
"How was it?" Sabay pakita ng suot kong damit sa kanya. "Maganda ba ako?"
Biglang naging manipis ang labi niya at sinuri ako mula ulo hanggang paa.
"You look... Phenomenal," pabulong niyang sabi pero sapat na para marinig ko.
Tumawa ako ng mahina at umiling. Halata kasi sa mukha niya ang amusement. Dahil siguro ito sa suot kong damit na bumagay sa akin.
Hinawi ko ang buhok ko papunta sa likuran ng aking tenga at napatingin kay Crow na nakatitig lang din sa akin mula sa pintuan ng kitchen.
"Alis na kami, Crow," sabi ko sa kanya at kumindat.
"Take care, babe. You look gorgeous," sagot niya at kumaway.
Mabilis kong hinawakan ang balikat ni Seven at iginiya siya palabas ng bahay. Hindi parin kasi siya tapos sa kakatitig sa akin kaya naiilang na ako. Bihira lang kasi akong mag-ayos ng ganito kaya nakakapanibago.
Paglabas namin sa gate ay agad kaming nag-abang ng taxi. Wala akong alam kung saan niya ako dadalhin kaya medyo na-excite ako.
I've done dating before at laging sa mga restaurants at amusement park lang ako dinadala ng mga naka-date ko. Kaya challenging itong friendly date namin ng demonyong ito.
Buti nalang at dumating agad ang taxi kaya nakasakay kaming dalawa. Umandar agad ang sasakyan at inayos ko ang pagkakaupo.
"Saan po tayo, Ma'am, Sir?" Tanong ni kuyang driver.
![](https://img.wattpad.com/cover/213632343-288-k328312.jpg)
BINABASA MO ANG
Angelic Demon (Darker Series #1)
FantasyI am just a normal teenage-girl. I don't believe in fairy tales. I am not even religious. But, everything changed after I met an angelic demon. He's the seventh messenger, and he came from hell. --- BOOK COVER BY @bini_nobela <3