Chapter 35Angelus
Nagising akong nakangiti dahil sa panaginip ko kagabi. Mukha kasing totoo ang pagdampi ng mga labi ni Seven sa mga labi ko. Narinig ko pa siyang may ibinubulong pero hindi ko maintindihan kung ano.
Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko kaya mabilis akong umiling at agad na bumangon. Lalo talagang lumalakas ang epekto ng mokong na 'yon sa akin. Hanggang sa panaginip ko nadoon parin siya.
Pakanta-kanta pa ako habang nililigpit ang mga unan ko at pagkatapos kong mag-ayos ay agad akong bumaba para hagilapan silang dalawa ni Seven.
Pero nang dumating ako sa kitchen ay si Crow lang ang naabutan ko habang nakatingin sa kawalan. Mukhang malalim ang iniisip niya dahil nakatulala lang siya at hindi ako napansin.
"Good morning?" Patanong na bati ko sa kanya.
"Morning," maikling sagot ni Crow at bumuntong hininga.
Umupo ako sa harap niya at masayang ngumiti. May nakahain na rin na breakfast sa table pero pang-isang tao lang ang nakalagay sa plato. Agad akong napatingin kay Crow dahil bumuntong hininga ulit siya.
"Okay ka lang? Nasaan si Syete?"
Tiningnan niya ako gamit ang pagod niyang mga mata. Sobrang kakaiba ang kinikilos ni Crow ngayon at nagsisimula na akong kabahan.
"The demon went back to the underworld, there's an emergency," mahina niyang sagot pero rinig na rinig ko.
"Oh, emergency lang pala eh. Bakit ka malungkot? Babalik naman 'yon, 'di ba?"
Mabilis na umiling si Crow at iniwas ang tingin sa akin. Natigilan ako sa pagkuha ng pagkain at kinakabahan akong napatingin sa kanya.
"He might not be back," sagot niya. "Seven already left."
Nabitiwan ko ang kutsara mula sa aking kamay at nagbigay ito ng malakas na tunog dahil sa plato ito bumagsak. Napasandal ako sa upuan habang pinipigilan ang sarili na huwag maging balisa.
"What do you mean, Crow? Anong sinasabi mo?"
"He left earlier. Bumalik na siya sa underworld, for good. And he might not be back because of his duties," sagot niya at tumayo.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil bigla itong sumikip.
"Ganon nalang 'yon? Umalis siya ng hindi nagpapaalam?" Hindi makapaniwala kong tanong.
"He went inside your room before he left. I thought he got some letters for you, but I doubt," aniya at nagtungo sa cabinet para buksan ito.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil naalala ko ang nangyari kagabi. Ibig sabihin, hindi talaga iyon panaginip? Na totoo akong hinalikan ni Seven? Iyon ba ang paraan ng mga demonyo para magpaalam?
Nawalan ako ng gana at nakaramdam ng matinding lungkot. Napatitig nalang ako sa hotdog at hindi alam kung ano ba dapat ang gagawin.
Parang naging bato ako bigla at hindi ko ma-digest ang mga sinasabi ni Crow. Ang bilis ng pangyayari. Kahapon lang ang saya-saya pa namin. Nagtatawanan pa nga kaming tatlo habang nanunuod.
Panay rin ang dikit ni Seven sa akin kagabi na para bang ayaw niya akong pakawalan. Hinawakan niya pa ako sa kamay ng mahigpit. Senyales na pala iyon ng pamamaalam niya.
Ang masayang mood ko kanina ay bigla nalang napalitan ng sobrang lungkot. Nawalan ako ng lakas ng loob na magsalita dahil wala namang lumalabas sa bibig ko.
"He told me to take care of you and give you this," ani Crow at may inilapag na singsing sa harap ko.
Agad ko itong kinuha at pinagmasdan. Ito 'yong singsing na ibinigay niya sa akin noong nalasing siya. Ang singsing na simbolo ng pangako niyang po-protektahan niya ako. Nandito parin ang itim na bato na nagiging pula sa tuwing isinusuot ko. Pero may halaga pa ba ito? Ngayong wala na siya?
BINABASA MO ANG
Angelic Demon (Darker Series #1)
FantasyI am just a normal teenage-girl. I don't believe in fairy tales. I am not even religious. But, everything changed after I met an angelic demon. He's the seventh messenger, and he came from hell. --- BOOK COVER BY @bini_nobela <3