33

175 21 12
                                    


Chapter 33

Angelus

"Netflix time!" Excited kong sigaw.

Mag-isa lang ako ngayon sa bahay dahil wala sina Crow at Seven. Kanina pa ako nakarating galing sa trabaho at ngayon ang perfect time para magrelax sa nakakapagod na shift.

Inilapag ko ang bowl ng popcorn sa coffee table at sinimulan na ang panunuod ng Season 2 ng Elite.

Hindi parin kasi ako maka-move on sa pagpatay ni Polo kay Marina. Siya pa naman ang favorite character ko dahil ang strong ng personality niya. Pero naligaw din siya ng landas kaya ayon, napokpok ng trophy at namatay.

Alam kong maiinis nanaman si Seven sa akin kasi nauna nanaman akong manuod sa kanya. Naging favorite kasi namin itong dalawa at naniniwala siyang mas-maganda daw ang Elite kesa sa Riverdale.

Napatingin ulit ako sa oras at nakitang alas nuwebe na ng gabi. Tiningnan ko rin ang cellphone ko na kanina pa tinatawagan ni Gwen at Michael. Malamang tatadtarin nanaman nila ako ng tanong sa sinabi ni Seven kanina tungkol sa pagiging boyfriend niya.

Napairap nalang ako sa ere at itinuon ulit ang tingin sa series. Pero mabilis akong napatayo dahil may biglang kumatok sa pinto.

"Wait lang!" Sigaw ko.

Nakangiti pa ako ng malaki dahil akala ko si Crow at Seven ang dumating, pero napawi ito nang bumungad sa akin ang isang malaking lalaki.

"Sino ka-"

Mabilis niya akong sinakal sa leeg at sinara ng malakas ang pinto. Napakapit ako sa kamay niya dahil sa higpit ng pagkakasakal niya sa akin. Nauubusan ako ng hininga.

"Ang hina mo namang demonyo ka," natatawa niyang sabi.

"B-biti-wan m-moko!" Impit kong sigaw.

Mabilis niya akong itinulak paupo sa sofa at tumawa ng malakas. Humugot siya ng baril mula sa likuran niya at pinagmasdan ako.

"Sino ka? Anong kailangan mo sa 'kin?" Tanong ko habang hinihimas ang aking leeg. Bumaon yata ang kuko niya kaya nakaramdam ako ng hapdi.

"What a funny question, love. Hindi ka ba marunong kumilatis ng isang demon hunter?"

Kumunot agad ang noo ko at napatitig sa kanya. I've never seen a demon hunter before. And by his looks, mukhang normal na tao lang naman siya. Malaki ang katawan, matangkad, at may mahabang peklat sa mukha.

"Oh, tapos? Ano naman ang kailangan mo sa 'kin?" Matapang kong sagot.

Gusto ko sanang matakot pero wala namang dahilan eh. Hindi naman ako demonyo at wala siyang makukuha sa akin.

"I was passing by your house when my sensor turned on," aniya at may kinuha sa kanyang bulsa na isang device. Meron itong ilaw na kulay pula at tumutunog. "And you know what I do whenever I see a demon? I kill them," bulong niya sa tenga ko.

Mabilis akong nakaramdam ng takot at kaba dahil sa sinabi niya. Hindi pwedeng maabutan nina Crow at Seven ang demon hunter na 'to. Ayokong mapahamak ang dalawang 'yon.

"Mukha ba akong demonyo? Baliw ka ba?" Inis na sabi ko sa kanya at sumandal sa sofa.

Kailangan kong magpanggap na wala akong kasamang mga demonyo rito para umalis na agad siya. But I think he's persistent at mukhang naghihinala na rin siya dahil may mga sapatos ni Seven at Crow sa shoe rack.

"Umalis ka na, baka sira lang 'yang sensor mo," ani ko at mabilis na tumayo.

Pero hindi agad ako nakaalis dahil mabilis niya akong hinigit sa kamay at pinaupo ulit.

Angelic Demon (Darker Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon