25

205 27 17
                                    


Chapter 25

Angelus

Mabilis kong binatokan si Michael pagpasok ko sa staff room. Gulat na gulat ang mukha niya nang tingnan niya ako.

"Pota, bakit?" Pagalit niyang tanong habang hinihimas ang kanyang batok.

"Ano? 'Di ka magso-sorry? Ang daming luha na nasayang sa 'kin kasi pinaniwala mo 'ko na patay na si Laura!"

Bigla siyang nag-peace sign sa akin at tumawa.

"It's a prank," aniya at mabilis akong tinalikuran.

"Bumalik ka rito! Fake news kang bwesit ka!"

Hinabol ko siya palabas ng staff room dahil naiinis talaga ako sa kanya. Sobrang emotional pa ng pag-emote ko sa harap ni Seven at Crow tapos malalaman kong hindi naman pala patay 'yung tao.

Nahihiya tuloy akong humarap kay Crow dahil feeling ko sobrang overreacting noong ginawa ko. Ito kasing si Michael, kahit kailan hindi maaasahan sa balita.

"Sorry naman, okay? Nakita ko kasi sa balita na dead on arrival daw ang biktima. Sisihin mo 'yung reporter sa T.V!" Ani Michael habang inaayos ang kabilang table.

"Pasalamat ka talaga kaibigan kita. Naku, kung ibang tao ka lang, malamang basag na 'yang mukha mo sa akin."

"Charot nga lang eh. Tsaka, kumusta pala ang lagay ni Laura?" Tanong niya at lumapit sa akin.

"Babalik pa ulit ako doon, wala pa raw findings ang doctor, eh."

Napabuntong hininga si Michael at agad na sinuot ang apron niyang may logo nitong Burger Queen. Magbubukas palang kami para sa morning shift kaya kami naglilinis. Bakit kasi ayaw pang gawing open for 24 hours ng owner itong fast food.

"Papunta na raw sina Mama Rosie, buksan na natin 'tong harap," ani Michael at inilagay ang name tag niya sa dibdib.

Pagdating nina Mama Rosie at ibang staffs ay agad kaming nagsimula sa routine namin. Magaan na ngayon ang pakiramdam ko dahil buhay si Laura at nakadalaw ako sa sementeryo.

Maaga palang ay marami na agad ang customers. Kaliwa't kanan ang trabaho namin dahil kulang sa staffs. Nag-leave din kasi si Gabby, 'yong bestfriend ni Laura.

"Angelus! Enrollment na pala sa susunod na linggo, anong balak mo?" Tanong ni Michael sa akin.

Nakaupo kami ngayon sa staff room dahil break time namin ng 15 minutes. Sumandal ako sa upuan at hinilot ang sintido ko. Nawala kasi sa isipan ko ang tungkol sa enrollment. Tsaka, kailangan pa naming kumuha ng scholarship para lumiit ang gastos namin.

"Sabay na tayo, paalam lang tayo kay Mama Rosie," ani ko sa kanya.

Hindi ko na naubos ang pinabaon ni Crow sa akin na sandwich dahil nawawala ako sa pagiisip dahil sa stress. Nagrelax muna ako saglit bago kami bumalik sa trabaho.

Pagdating ng hapon ay biglang dumating si Lucas kasama ang kapatid niyang babae. Iyon 'yong inakala ni Michael na girlfriend ni Lucas, kunyare broken-hearted siya tapos dinamay pa kami sa paglalasing.

"May date kayo, no?" Intriga ko kay Michael habang nakanguso kay Lucas.

"Gusto raw manuod ng sine ang kapatid niya, bet akong isama," pabulong na sagot ni Michael.

Agad ko siyang kinurot sa gilid kaya ngumiwi siya.

"Malantod ka," asar ko at tinawanan siya.

Masaya ako para sa kaibigan ko. Hindi ko na kasi maalala kung kailan ako huling nakapasok sa loob ng sinehan. Sa totoo lang gustong-gusto ko talaga manuod sa sobrang laking screen. Feeling ko kasi anytime pwede akong pumasok at maging parte ng movie.

Angelic Demon (Darker Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon