HISTORY 1

211 18 6
                                    

Special chapter

Lilith

Nagkaroon ng pulang liwanag kasabay nang pagbukas ng malaking bato sa kweba. Napapikit ako ng mariin at unti-unting dumilat at nakita ang anino ng isang lalaki na naglalakad papunta sa akin.

Napahawak ako ng mariin sa itim kong suot at bumangon sa pagkakahiga. Narinig ko ang hakbang niya hanggang sa tumapat ang liwanag sa akin at nakita ko ang totoo niyang mukha.

"Panginoon," bulong ko at lumuhod sa harap niya.

Nakatayo sa harap ko ngayon si Lucifer. Ang hari ng mundong ilalim. Ang nag-iisang demonyo na gumawa sa akin.

"I need you to do something, Lilith," wika niya sa malalim na boses.

Tumayo ako kasabay nang pagbaling ng tingin niya sa akin. Nakita ko agad ang malaking marka ng kasalanan niya sa kanyang noo. Isa itong itim na tinta na matagal nang iginuhit sa kanya. Simbolo ng kanyang pagtiwalag sa kahariang ibabaw.

Nakasuot siya ng mahabang itim na damit at maganda parin ang hubog ng kanyang mukha kahit na matagal na siyang nakakulong sa kanyang silid.

"Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo, panginoon?" Tanong ko at yumuko.

"Hanapin mo ang anak ko sa mundo ng mga mortal. Sinabi sa akin ni Freda na doon daw napadpad ang nawawalang anak ng liwanag. Malaking kapahamakan ang mangyayari kapag nagkita silang dalawa," anito at kinuha ang dala niyang matalim na bato at may apoy sa gitna.

"Opo, panginoon."

Nilisan ni Lucifer ang kweba at agad akong naghanda sa pag-alis. Ilang beses na akong nakapunta sa mundo ng mga mortal dahil sa misyon. Pero iba ito ngayon dahil ang anak na mismo ni Lucifer ang kailangan kong hanapin.

Paglabas ko ng kweba ay agad akong sinalubong ni Freda.

"Mag-iingat ka doon, Lilith," paalala niya sa akin.

Si Freda ang kasama ko lagi dito sa underworld dahil siya ang unang alipin na ibinigay sa akin ni Lucifer. Pinagsisilbihan niya ako simula paman noon. Kinuha ko sa kanya ang malita na dadalhin ko at nagsalita.

"Sumunod ka sa akin kapag tapos ka na rito." Huling sabi ko sa kanya bago ako pumasok sa portal.

Pagmulat ko ng dalawa kong mata ay nasa tapat na ako ng apartment kung saan ako noon namamalagi. Kilala ko rin ang may-ari nito kaya wala ng problema sa titirhan ko.

Kumatok ako sa pinto at maya-maya pa ay agad itong nagbukas.

"Lilith!" Gulat na sigaw ni Aleng Mesina.

"Opo, ako nga," nakangiti kong bati sa kanya.

Pinapasok niya agad ako sa loob at pinaupo sa sala. Tinawag niya rin ang kasambahay para ipaghanda ako ng makakain.

"Naku! Buti naman at bumalik ka na. Kamusta ang ibang bansa? Malamig ba doon?" Tanong niya.

"Opo, mahaba rin ang naging byahe kaya napagod ako," pagdadahilan ko para makapunta agad ako sa kwarto ko.

"Ay, oo nga pala. Buti nalang at wala paring kumukuha ng kwarto mo dati, doon ka parin ba?"

Mabilis akong tumango. Iyon ang nakasanayan kong kwarto kaya hindi na ako kukuha ng iba. Iginiya agad ako ni Aleng Mesina kasama ang dala kong malita. Nandito na rin lahat ng gamit ko pati ang pera na galing sa mga mortal.

"Tawag ka lang kapag may kailangan ka," aniya.

Tumango ako at naglakad papasok ng kwarto. Ganoon parin ang ayos ng kama at ibang mga gamit. Nakabukas na ang bintana pati ang glass door papunta sa balcony.

Angelic Demon (Darker Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon