Chapter 3
Angelus
"Yeah! I'm a demon too!" I said sarcastically and laughed at him.
Demon my ass! Ano siya hilo? I'm not a kid anymore to dream about fantasy. At this modern age, may niniwala pa ba sa ganyan?
"Pwede rin namang Angel, 'di ba?" ani ko at kinindatan siya.
He glared at me at mabilis na umakyat pabalik sa itaas. I can see it in his eyes, galit siya sa akin. Umiling nalang ako at pinagpatuloy ang paglilinis.
Mamaya ko na siguro siya kakausapin tungkol sa pagpapatira ko sa kanya rito. Ni hindi ko nga pala alam ang pangalan niya. Pero at least tama ang hinala ko, mas gwapo siya sa umaga at kapag nasisinagan ang buo niyang mukha.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit hindi ko siya kayang itaboy. I mean, kung masama nga talaga siyang tao at sakaling tinutugis siya ng mga police, malamang pwede akong mapagkalaman na kasabwat niya. Pero may pumipigil sa akin na paalisin siya at hindi ko alam kung ano.
Umiling ako dahil sa mga naiisip.
Saka ko nalang iisipin ang gagawin kapag nagkausap na kaming dalawa. Sa ngayon, gusto ko nalang gawin ay linisan itong buong bahay. Bahala siya kung ano man ang gagawin niya, o kung kay binabalak man siyang gawin sa akin.
Inilapag ko ang picture nina Lola Agustina at Lolo Florencio saka ko kinuha ang walis. Mula noong namatay kasi silang dalawa, sa akin nila ipinangalan itong bahay at lupa. Ngayon, mag-isa akong nakatira rito at solong-solo ko ang bawat parte nito.
Pagkatapos ko sa living room ay dumeretso ako sa kusina. Ilang oras din ang itinagal ko sa paglilinis hanggang sa dumating ang tanghali. Nagluto agad ako ng pwedeng makain naming dalawa ng bago kong kasama. Pero syempre! Pababayaran ko 'to sa kanya, 'no! Ano siya sini-swerte?
After kong magluto ay naisipan kong tawagin siya sa kwarto. Feeling ko kasi mukhang hindi siya nakakaramdam ng gutom, o baka nahihiya kaya ayaw bumaba rito.
Deretso ang lakad ko hanggang sa huminto ako sa harap ng pinto. Hindi ito nakasara kanina kaya kumunot ang noo ko. Wow lang ah! May gana pa siyang magsara ng pinto? Feel at home lang? Bahay niya? Huh?
"Master! Handa na po ang pagkain!" sigaw ko at kinatok ng malakas ang pinto.
Akala ko ay pagbubuksan niya na ako ng pinto ngunit ilang sigundo na ang lumilipas hindi parin ito bumubukas.
Ano ba ang ginagawa ng lalaking 'yon?
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilay agad ang madilim na kwarto. Sarado ang bintana pati na ang makapal na kurtina kaya wala ng ilaw na nakapasok. Weird! Bakit ayaw niya sa liwanag? Bampira ba siya?
Binuksan ko pa lalo ang pinto at tuluyang pumasok sa loob.
Nakita ko agad siya sa sahig, nakaupo na parang Buddha habang ang dalawang kamay ay naka-angat ng kaunti. Narinig ko ang mahina niyang bulong sa hangin kaya kinilabutan ako at nanindig ang lahat ng buhok ko sa katawan.
"H-hoy! Kulto ka ba?" malakas na sigaw ko sa kanya.
Tumigil siya sa pagbulong at tumingin sa akin. Tumayo siya bigla kaya umatras ako palapit sa pintuan.
"Kulto?" bakas sa mukha niya ang pagtataka.
Mabilis akong tumango.
"Oo! Kulto! Iyong nangunguha ng virgin tapos ginagawa nilang alay tuwing full moon! Myembro ka ba nila?" sigaw ko at humawak sa aking katawan. "Jusko! Virgin pa naman din ako, gagawin mo ba akong alay?"
BINABASA MO ANG
Angelic Demon (Darker Series #1)
FantasyI am just a normal teenage-girl. I don't believe in fairy tales. I am not even religious. But, everything changed after I met an angelic demon. He's the seventh messenger, and he came from hell. --- BOOK COVER BY @bini_nobela <3