Chapter 31Angelus
"Girlfriend my ass!" Sigaw ko sa kanya. "Neknek mo, ang sarap mong batukan!"
Inirapan ko siya at agad na bumalik sa kwarto ko. Mabilis akong napasandal sa pinto pagkatapos ko itong maisara. Ang lakas kasi ng tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit.
Huminga muna ako ng malalim bago umayos ng tayo at naglakad papunta sa closet ko. Kumuha ako ng pajamas at mabilis itong sinuot.
"Kalma lang, self. Si Syete lang 'yan, 'di ka niyan kakagatin," bulong ko sa sarili.
Pagkatapos kong magbihis ay naglagay na rin ako ng skincare para fresh ako buong gabi. Pagbaba ko ay nanunuod na silang dalawa ng series sa living room.
"Ano 'yan?" Tanong ko sa kanila pagkatapos kong umupo sa tabi ni Crow.
"Umbrella Academy," sagot ni Seven.
Umismid ako at nanuod na rin. Maya-maya pa ay bigla akong tinapik ni Crow kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit?"
"You are in danger," seryoso niyang sagot.
Kumunot ang noo ko at umayos ng upo. "Pano mo nasabi?"
He wrinkled his nose and tried to breathe normally. He's anxious about something and it's starting to bother me.
"Anong meron, Crow?"
"Demon hunters are already here in the city. They are after a witch and a demon hunter from a higher official. You see, what the guy told you yesterday is true. They can sense you as a demon because of us," aniya sabay turo kay Seven. "Now, I want you to be extra careful. We didn't know when they will attack."
Tumango ako kay Crow habang si Seven naman ay nakatingin sa akin ng deretso. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya dahil nailang ako.
"I'm sorry if we brought you into this mess, babe. We didn't plan all of this to happen."
"Okay lang, Crow. As long as nandito kayo, alam kong safe ako," nakangiti kong sabi sa kanya.
"Seven made a vow to protect you, though. He should fulfill that vow, right?"
Mabilis na sinuntok ni Seven si Crow sa balikat pero tumawa lang ang huli. Halatang walang alam si Seven sa mga binitiwan niyang pangako sa akin. Nabanggit ko kasi kay Crow ang ginawa ni Seven kaya alam kong gagawin niya itong pang-blackmail.
"I didn't gave a vow to her, stupid!" Sigaw ni Seven sa kaibigan. Tumawa ulit si Crow at kinuha ang bowl ng popcorn para lagyan ito sa kitchen.
Pag-alis ni Crow ay agad kaming nagkatinginan ni Seven.
"I think Crow is right, you should fulfill your vow to me," biro ko sa kanya.
He rolled his eyes at nagcross-arms. Tinuon niya ang attention sa T.V at hindi na ako nilingon pa. Pagbalik ni Crow ay agad ulit kaming nanuod.
Hanggang sa makabalik ako sa kwarto ko ay hindi na nawala sa isipan ko ang sinabi ni Crow sa akin kanina. I might be mistaken as a demon dahil masyado nga akong napapalapit sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Angelic Demon (Darker Series #1)
FantasyI am just a normal teenage-girl. I don't believe in fairy tales. I am not even religious. But, everything changed after I met an angelic demon. He's the seventh messenger, and he came from hell. --- BOOK COVER BY @bini_nobela <3