DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
"Love, Aitana." is not affiliated with University of the Philippines, UPWC, UPAK, DUP, and other student organizations.
READ AT YOUR OWN RISK.
______________________________________________________
"Ms. Aitana, are you done proofreading the only project assigned to you?"
Hindi ko pa nailalapag ang mga gamit na bitbit ko, binati na agad ako ng boss ko tungkol sa project ko. Good morning po ha, madam?
Nagtatrabaho ako sa isang Publishing House dito sa Manila bilang isang Proofreader. Ang isang trabaho na sa tingin ko ay babagay sa mga perfectionist dahil sa trabahong ito, lahat ng project ay dapat error-free. Kung hindi mo magagawa iyon, magiging job-free ka. Wala namang may gustong mangyari iyon 'di ba?
Pangalawang taon ko palang dito. Nagbabalak talaga ako maging isang writer pero kumukuha pa ako ng mga experiences para mas malawak ang background ko sa publishing. Gusto ko kasi all-out ako kapag naging isang writer na. Gusto ko alam ko lahat ng mangyayari sa manuscript ko, gusto ko may alam ako sa production at publication.
"Tatapusin ko pa po." Iyon naman talaga ang dahilan kaya maaga ako pumasok---para tapusin ang project na nakatulugan ko kagabi. Para sa akin, okay lang naman dahil mamayang hapon pa ang deadline nito at last 2 chapters nalang din naman ang hindi ko na-pproofread.
Confident ako na mabilis ko nalang matatapos ang mga iyon. Ilang beses ko na itong binasa at na-correct ko na ang ilang mga mali doon.
"Ito na nga lang ang project mo ngayon, hindi mo pa matapos. Maybe that's the reason why you can't write a book. Masyado kang tamad."
Napaka-convincing niyang magsalita na parang lahat ng lumalabas sa bibig niya ay tama.
Siya lang ang kaisa-isang tao dito sa office na sobrang kakaiba ang tabas ng dila.
Gusto ko siyang sampalin kaliwa't kanan, kahit taas baba pa, pero dahil boss siya---"Sorry po. Tatapusin ko na po. Promise, I won't miss the deadline." Tumawa siya kasabay ng pagtaas ng kilay na parang nang-iinsulto.
Umalis siya sa harapan ko habang kumekendeng-kendeng ang mga bewang na hindi pantay at ang lakas ng tunog ng high heels niyang wedge na halatang mamahalin pero mukha siyang paa kaya parang mali ang placing ng heels niya. Medyo nalito lang ako kasi may paa sa taas at baba.
Hindi naman sana ako ganito mag-isip tungkol sa kaniya pero kahit kailan talaga taliwas sa paniniwala ko itong si Ms. Rosetta. Hindi porket hindi ko pa tapos ang project ko, hindi na ako makapagsusulat ng isang libro. Ano namang koneksiyon non 'di ba?
Sa totoo lang, naka-pagsulat na ako pero lahat ng gawa ko ay hindi pumasa para mai-publish at mai-distribute sa iba't ibang bookstores. Sa madaling salita, ang mga storya na natapos ko na ay hindi kagandahan at hindi katanggap-tanggap para sa kanila. Pero that doesn't stop there.
Kaya ang gusto ko ngayon ay maka-pagsulat ng isang bagong kwento dahil para sa akin, sa lahat ng sitwasyon, mas thrilling at mas exciting kapag bago.
Kapag bagong simula, ang presko. Parang walang hahadlang sa'yo.
Parang ang tanging maisusulat mo lang ay iyong galing sa puso mo.
YOU ARE READING
love, Aitana.
RomansaAitana, a poetess and a short story writer, found herself drowning in every word written in her poems. She met the devil-may-care actor, Galen, and she never thought that she will find her favorite rhyme just in time. March 22, 2020