DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
"Love, Aitana." is not affiliated with University of the Philippines, UPWC, UPAK, DUP, and other student organizations.
READ AT YOUR OWN RISK.
________________________________________________
"Aitana, hindi ka ba nagugutom?"
Nandito kami ni Vee ngayon sa SMX Convention Center. Ngayon ang Summer Karate Tournament ni Angel. Wala rin naman kaming ginagawa dahil bakasyon ngayon kaya nagdecide kami na suportahan nalang siya.
"Bakit? Gutom ka na kaagad?"
"Sabi ko naman kasi sa'yo bumili tayo ng popcorn." Sabi niya na parang frustrated na dahil kanina pa kami dito pero wala kaming pagkain. Tanging soda lang ang mayroon kami, iyong maliit pa.
"Anong popcorn? Hindi tayo manonood ng movie baka nakakalimutan mo." Natatawang pagpapaalala ko sa kaniya.
"Pero entertainment din ito 'no kasi pinapanood natin nang live!" Pagtatanggol niya pa sa sarili niya.
"Isa bang entertainment sa'yo kapag nakikita mong nasisipa si Angel?" Nagtawanan kaming dalawa nang marealize kung anong mga sinasabi namin.
Nasa taas ang pwesto namin ngayon. Ayaw kasi naming makita nang malapitan ang pagsasakitan ng mga athletes. Medyo nakakatrauma itong tignan nang malapitan dahil hindi naman kami sanay sa bakbakan.
Unlike Angel na talagang mahilig sa aksyon.
Adult division na ang age category niya. Advanced na rin ang kinabibilangan niya dahil more than four years na ang martial arts experience niya.
She was already into Karate before we actually met her.
Sa totoo lang ay nakakatakot manood ng Karate Competition. This isn't the first time na sinuportahan namin siya pero nandito pa rin ang kaba.
Naalala ko noong unang panood namin ng laban niya ay halos mahimatay kami ni Vee dahil parang nagkakasakitan na ang mga players. Hindi naman ito katulad ng boxing pero ginagamitan kasi ito ng mga footsteps na hindi ko alam ang mga katawagan.
Kada sipa ng mga players ay pakiramdam ko sa akin tumatama. Pakiramdam ko ay ako ang nasisikmuraan.
"Bakit kaya kailangan blue ang puzzle na nandiyan sa floor?" Tanong ni Vee na out of this world.
Sa sobrang bored namin sa paghihintay ng mismong laban ni Angel ay napapansin niya na lahat ng bagay.

YOU ARE READING
love, Aitana.
RomanceAitana, a poetess and a short story writer, found herself drowning in every word written in her poems. She met the devil-may-care actor, Galen, and she never thought that she will find her favorite rhyme just in time. March 22, 2020