DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
"Love, Aitana." is not affiliated with University of the Philippines, UPWC, UPAK, DUP, and other student organizations.
READ AT YOUR OWN RISK.
________________________________________________
"Hokkaido? 'Di ba sa Japan 'yon?!" Tanong ni Vee na parang mas nag-hysterical pa kaysa sa akin. Si Angel naman ay tahimik na nakikinig lang sa amin at parang tinitimbang ang sitwasyon.
Tumango-tango lang ako bilang sagot sa tanong ni Vee. Sa totoo lang ay nahihirapan talaga akong isipin na magiging sobrang layo namin ni Galen sa isa't isa. Wala pa kaming isang taon pero isasabak na agad kami ng tadhana sa LDR.
"Ilang oras naman ang pagitan doon at dito sa Pilipinas?"
"Isang oras lang naman." Para naman siyang nabunutan ng tinik sa sinabi ko. Wala namang problema sa time zone difference. Ang issue dito ay ang distansya. Mahirap dahil hindi ko siya makikita. Kapag kailangan ko ng yakap, wala akong makukuha. Sobrang nakakapanghina.
"Tinanggap niya na ba ang offer?" This time, si Angel naman ang nagtanong. Sa tingin ko ay kanina niya pa iniisip ang sitwasyon namin ni Galen ngayon. Sinadya ko silang papuntahin dito sa bahay para may makausap ako.
"Noong una ay talagang ayaw niyang tanggapin." Sa totoo lang ay ayaw niya naman talagang umalis dahil kahit siya ay hindi niya alam ang gagawin sa setup ng relationship namin kung sakali.
"Kaso?"
"Kaso pinilit ko siya kasi it's really a big opportunity. Ayaw kong mawala iyon sa kaniya dahil lang sa akin. He deserves everything at para rin naman iyon sa betterment niya."
Sa sinabi kong iyon ay pumalakpak silang dalawa, slow clap. Nag-act naman si Vee na naiiyak siya. "You are mature, Ai. I'm so proud."
Mahirap man na lagpas dalawang libong milya ang pagitan naming dalawa, mga naglalakihang dagat ay nakaharang sa gitna, mas pipiliin ko pa rin ang makabubuti sa kaniya. Pangarap niya ito, sino ako para pigilan 'yon? Ang role ko sa buhay niya ay sumuporta kahit anong mangyari, kahit anong ibato ng pagkakataon sa amin.
"Iyon naman pala, so anong problema natin dito? Tiwala?---
"May tiwala ako kay Galen, okay?" Pagputol ko sa sinasabi niya.
"Bakit nahihirapan kang hayaan siyang umalis? It's either wala kang tiwala sa kaniya or wala kang tiwala sa sarili mo."
Kung tiwala lang din naman ang pag-uusapan, sa tingin ko ay kulang ang tiwala ko sa sarili ko. Alam kong hindi ako kalilimutan ni Galen pero natatakot ako na baka dahil sa distansya ay makakita siya ng babaeng mas makakasundo niya, mas magiging masaya siya kapag magkasama sila. Ganoon naman kasi palagi sa mga nobela, sa mga pelikula. Kahit sa kwento ng mga kakilala ko ay parehas ng scenario. Iyon ang natatakot, iyon ang kinababahala ko.
YOU ARE READING
love, Aitana.
RomanceAitana, a poetess and a short story writer, found herself drowning in every word written in her poems. She met the devil-may-care actor, Galen, and she never thought that she will find her favorite rhyme just in time. March 22, 2020