DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
"Love, Aitana." is not affiliated with University of the Philippines, UPWC, UPAK, DUP, and other student organizations.
READ AT YOUR OWN RISK.
_____________________________________________________
Maaga akong nakarating sa class room at hindi pa ganoon karami ang mga block mates ko na nandito.
Lumapit ako sa block president namin para kunin at bayaran ang handouts na inutos sa kaniya ng professor namin para mai-distribute.
"Ang aga mo ngayon, Ai. Anong ganap natin dyan?" tanong niya at nagsimula na kaming magkwentuhan.
Nang dinudumog na siya ng iba pa naming block mates para kunin ang copy nila, bumalik na ako sa aking upuan at sinimulang basahin ang handouts.
Pinipilit kong intindihin lahat ng nakasulat sa handouts na 'to. Nakakatuwa lang na ang topic na nakasulat dito ay Revision Techniques. Nagagamit kasi 'to ng lahat ng writers, applicable ito sa lahat ng genre.
Wala naman sigurong nakapagsusulat ng draft na pwede na kaagad ipasa bilang final manuscript 'di ba? Kaya revision technique is a must.
Medyo sumakit din ang ulo ko habang iniisa-isa pa ang mga nandito. Kinabisado ko rin yung mga steps na naka-highlight para kung sakaling tatawagin ako sa recitation mamaya ay talagang makakasagot ako.
Ilang minuto pa ay dumating na ang prof namin at sinimulan ang pagdidiscuss.
Pagkatapos ng discussion ay binigyan niya kami ng take home activity na gumawa ng isang short story. Kailangan ipasa ang draft at revision.
Gusto niya raw makita ang mga revision techniques na napag-aralan kanina.
Isinulat ko kaagad sa notepad ko ang mga sinabi na instruction ni Sir Hernani. Pati criteria for grading ay nilagay ko na dahil kapag nagpapasa talaga ako ng activity high score ang hinahabol ko palagi.
Very focused kasi ako kapag usapang pag-aaral. Hindi naman ako pressured pero gusto ko lang din na matataas ang nakukuha ko.
Nahihirapan nalang din naman ako, sasagarin ko na yung kapalit na gusto kong makuha.
"See you next meeting, class." Sabi ni Sir na naging hudyat ng simula ng vacant time ko.
Dahil nagccrave ako sa milk tea, dumayo pa ako sa Nomu Tea para bumili ng Jasmine Green Milk Tea at French Butter Croissant.
Dito nalang din ako tatambay para hindi ako mabagot habang naghihintay sa next subject ko.

YOU ARE READING
love, Aitana.
RomanceAitana, a poetess and a short story writer, found herself drowning in every word written in her poems. She met the devil-may-care actor, Galen, and she never thought that she will find her favorite rhyme just in time. March 22, 2020