DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
"Love, Aitana." is not affiliated with University of the Philippines, UPWC, UPAK, DUP, and other student organizations.
READ AT YOUR OWN RISK.
______________________________________________________
"Ai, masyado ka naman na yatang natutuwa dyan sa mga binabasa mo." Sabi ni kuya Joe dahil natagalan ako bago i-pasa ang papel na hawak ko.
Naka-circle kami ngayon sa 312 at nagpapasahan ng mga entries sa Liham at Lagda contest.
Noong nakaraang linggo ay na-ipost na namin ang mga mechanics at criteria. Ipinasa sa amin ang mga entries through email. Nag-print kami ng mga hard copy ng mga entries para mapag-pasahan namin ngayon. Babasahin muna namin lahat bago ibigay sa iba pang judges.
Kasama kasi kami sa magbibigay ng scores sa entry. Magbobotohan kami ng Top 10 na pinaka-magandang love letter at dadagdagan iyon ng extra points. Ang limang judges pa rin from CAL Department ang makapagde-decide kung sino ang mananalo.
Ang mga entries ay hindi lalagpas sa 500 words kaya't hindi naman masyadong matagal ang pagbabasa. Sobrang nakaka-aliw lang talaga.
Pinaalala rin sa mga sumali na ang mapipiling letter ay ipopost sa aming mga social media accounts. Pipili ng isa na nakasulat sa English at isa sa Filipino.
"Ilan ba ang nagpasa? Masyado na akong nadadala sa mga letters na 'to."
"Halos 50 letters ang babasahin natin ngayon. Kapit lang." Natatawang sagot naman ni ate Gwen kay Daia.
Hindi lahat ng letters ay nakakakilig. Ang iba'y masakit. Noong una ang ine-expect ko ay lahat ng mga ito ay purong kilig pero narealize ko rin na may mga love letter din na puno ng kalungkutan, galit, o pagsisisi.
May mga nagpasa ng love letter na sa una ay sobrang light lang, mapapangiti ka dahil puno ng pagmamahal. Ang ending naman ay galit na. Ganoon naman kasi talaga ang ilang mga love stories, sadyang hindi natatapos na masaya.
Hindi lahat natatapos sa saya.
Sabado ngayon pero hindi kami kumpleto sa UPWC. Ang sabi ng ilan ay babawi nalang sila sa announcement ng winners. Sila nalang daw ang mag-eedit ng mga infographics at announcement posters.
Wala rin namang naging problema dahil magaan lang ang mga gawain ngayon. Sobrang nakakalibang pa nga. Hindi nakaka-pressure ang gawain na ito, parang naging libangan nga ito sa ngayon.
Ngayong umaga ay ganito lang muna ang gagawin namin at pagkatapos ay ipapasa na namin sa lima pang judges. Siguro ay mamayang hapon malalaman na rin kung sino ang mga nanalo o kaya naman ay bukas ng umaga.
YOU ARE READING
love, Aitana.
RomansaAitana, a poetess and a short story writer, found herself drowning in every word written in her poems. She met the devil-may-care actor, Galen, and she never thought that she will find her favorite rhyme just in time. March 22, 2020