Chapter 29

57 9 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


"Love, Aitana." is not affiliated with University of the Philippines, UPWC, UPAK, DUP, and other student organizations.


READ AT YOUR OWN RISK.

________________________________________________

"Ate Ai! Male-late raw po ng dating si Mr. Gaisanno kasi may emergency." Sumakit ang ulo ko dahil sa balitang dala ni Mariella. Inaasikaso na kasi namin ang pagpasok ng mga nag-register para sa workshop.


"Anong oras na ba?"


"30 minutes nalang po at mag-start na sana tayo. Sila Ate Daia po nag-sesetup na sa loob." Kami naman ngayon ang naka-assign para mag-assist ng mga bata. More on grade 10 students ang sumali sa amin at 25 members ang bubuo sa unang batch. Hinati namin ang nag-register sa tatlong batches para hindi siksikan at hindi sila mahirapan. Isang buwan ang itatagal ng bawat batch.


"Paki-sabihan nalang sila sa loob na be ready na." Tumango naman siya at bumalik na sa loob.


Bakit naman kung kailan magsisimula na ay doon pa nagkaroon ng aberya?


Ngayon ang first day ng Public Writing Workshop namin kaya naman tatlo kaagad sana ang gusto namin na maging speaker for the day. Pumayag naman sila at nagsabi sa amin na pupunta silang lahat kaya lang ang isa sa kanila ay mahuhuli pa ng dating. Siguro ay kaunting pagbabago lang naman ito sa time ng activities sa mini program.


Nandito kami ngayon sa CAL. Kahapon palang ay inayos na namin ang pag-gaganapan ng mismong sessions. Sinigurado namin na well ventilated and enough ang space para sa mga bata, sa mga speaker, at sa aming UPWC.


"Spencer, dito ka muna sa labas ha? Kapag may mga dumating pa tignan mo nalang ang mga membership forms at papasukin mo sa loob." Sabi ko sa kaniya at ngumiti. Sinubukan kong i-maintain ang pagiging kalmado at high energy kahit ang daming nangyayari.


"Opo ate Ai." Pumasok ako sa loob para i-check ang mga ipapamigay namin. Nagprovide kami ng freebies na plantable pencils.


"Elena, okay na ba yung treats na ipapamigay natin later?"


"Yes, ate." Itinuro niya ang malaking container na naglalaban ng mga banana cupcakes. Si Bea at Elena ang gumawa nito. Naisipan kasi namin na mas gaganahan ang mga bata kapag mayroong mga treats kahit papaano. Iced tea nalang ang ise-serve sa kanila mamaya bilang panulak.


"Mayroon ba tayo diyan?" Tanong ni Jacob habang isinasalansan ang mga bondpapers na gagamitin mamaya sa first writing activity.


"Oo naman! Tayo pa ba?" Ang ibang mga members ng club ay kinakausap ang mga aspiring writers. Sinisigurado nila na walang nabobored sa paghihintay. Hindi pa naman sila kumpleto pero iilan nalang ang kulang.

love, Aitana.Where stories live. Discover now