DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
"Love, Aitana." is not affiliated with University of the Philippines, UPWC, UPAK, DUP, and other student organizations.
READ AT YOUR OWN RISK.
_____________________________________________________
Adam Galen Bolivar and 15 other people reacted to a photo you shared.
Masaya pala ito maging friend sa facebook eh.
Simula kanina nagrereact na siya sa mga shared posts ko. Puro meme iyon na sa tingin ko naman ay nakakatawa talaga.
Buti nalang pala ay inaccept ko ang friend request ng isang 'to, madadagdagan ang mga reactors ko.
Pero siyempre hindi ko siya agad agad na inaccept kanina 'no. Naghintay muna ako ng two hours.
Medyo pa-demure lang, medyo pa-shy.
Iniisip ko pa rin kung paano niya nakuha ang social media accounts ko. Parang kaninang tanghali na magkasama kami sa meeting ay mukhang kay Ven lang naman siya interested.
Parang nawalan ako ng control sa mga kamay ko at sila na ang nag-decide na i-stalk ang timeline ni Galen.
Candid shot ang profile picture nito. Naka-black na longsleeves. May lavalier microphone na nakakabit sa damit niya. Halatang naka-wax ang mga buhok.
At mukhang kumakanta siya sa picture na iyon.
Ang gandang tignan ng DP niya. Ang aliwalas ng mukha.
Sana lagi nalang ganiyan ang itsura niya at hindi siya mukhang hibang.
Ang cover photo niya naman ay picture ng buong DUP sa theater nila sa Palma Hall.
Puro shared posts lang siya tungkol sa mga live performances ng DUP. Bukod doon ay wala na akong ibang nakita.
Ang boring naman ng Facebook nito.
Ang Twitter niya ay ganoon lang din. Puro may kinalaman sa DUP.
Hindi man lang siya nagrarant sa twitter niya?
Wala ba siyang hanash sa buhay?
Hindi ako natutuwa sa mga social media accounts niya dahil wala itong laman. Wala akong malaman.
YOU ARE READING
love, Aitana.
RomansaAitana, a poetess and a short story writer, found herself drowning in every word written in her poems. She met the devil-may-care actor, Galen, and she never thought that she will find her favorite rhyme just in time. March 22, 2020