DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
"Love, Aitana." is not affiliated with University of the Philippines, UPWC, UPAK, DUP, and other student organizations.
READ AT YOUR OWN RISK.
______________________________________________________
"Aitana, please kausapin mo naman ako nang maayos." Habang nag-vivideo call kami ni Galen ay hindi ko magawang makapagsalita. Naipon na yata lahat ng pagtatampo ko.
"Ano bang ginawa ko? Kausapin mo na ako." Sa isang buong linggo na nagpakahirap ako sa paghahanap ng pagkakakitaan namin ay hindi ko man lang siya nakausap nang matino. Hindi ko masabi sa kaniya ang mga problemang dinadala ko dahil kung hindi siya sobrang busy, kasama niya ang mga co-actors niya sa pagsasaya.
Ang sabi niya ay paraan niya lang ito para kalimutan ang pagka-miss niya sa Pilipinas. Nakikipagkatuwaan lang daw siya para hindi siya malungkot tuwing gabi sa pag-iisip na malayo siya sa akin, sa amin.
Samantalang ako, nandito. Hindi magawang makapagsaya dahil sa dami ng responsibilidad. Hindi man lang ako makatulog nang maayos dahil sa patong patong na problema. Pati pag-oonline selling ay pinatulan ko na para may pambayad sa bills. Hati na ang oras ko sa acads at org. pero mas hinati ko pa para tulungan si mama. Tapos ang sasabihin niya lang sa akin ay gusto niyang magsaya?
"Aitana. Intindihin mo naman ako." Hindi ko alam kung anong pag-intindi ang gagawin ko dahil kahit ako ay hindi na makapag-isip nang maayos. Kada haharap ako sa mama ko ay para akong nadudurog. Pinipilit kong ngumiti at tumawa para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.
Alam kong hindi ko dapat ipatong kay Galen lahat ng nararamdaman ko pero tuwing naiisip ko na wala siyang ginagawa para mapagaan ang araw ko ay talagang nalulungkot talaga ako.
I feel so lost. Pakiramdam ko salo ko lahat ng mga problema at wala akong makapitan. Hindi ako makapagsabi sa mama ko dahil ayaw kong dumadagdag pa. Ang mga friends ko naman ay masyadong busy na sa mga gawain nila, ni hindi na nga rin sila makatulog sa dami ng ginagawa.
Ang nag-iisang pwede kong makausap ay parang masyado nang nalilibang sa buhay niya.
"Kahit ngayon lang, ako naman ang intindihin mo." Napakunot ang noo ko at hindi ko na malaman kung ano ang nararamdaman ko. Asar at lungkot na yata ang nagsama.
"Ikaw na naman? Ikaw naman ang intindihin ko? Saan nanggaling 'yang sinasabi mo, Galen?" Mahina siyang tumawa sa kabilang linya. Mukhang nawala na rin ang pagiging kalmado niya dahil nag-iba na ang tingin niya sa akin.
"Hindi lang naging consistent ang pagtawag ko tapos ganiyan na ang ginagawa mo sa akin?"
"Bakit? Ano bang ginagawa ko sa'yo?" Muli siyang natahimik at tila ba hinihintay akong magsalita ulit. Pinilit kong tumawa para hindi tumulo ang mga luha ko. "Sobra na ba 'tong ginagawa ko sa'yo, Galen?"

YOU ARE READING
love, Aitana.
RomanceAitana, a poetess and a short story writer, found herself drowning in every word written in her poems. She met the devil-may-care actor, Galen, and she never thought that she will find her favorite rhyme just in time. March 22, 2020