Chapter 22

74 13 1
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


"Love, Aitana." is not affiliated with University of the Philippines, UPWC, UPAK, DUP, and other student organizations.


READ AT YOUR OWN RISK.

________________________________________________

I've learned so many things in life because of this academic year. I cried because of so much frustration. I also screamed because of joy. I can't find the right words to explain how this year changed me a lot. As of today, this is the best year of my life.


Nagkaroon ako ng chance to prove myself. Nag-take ako ng one big step para sa pangarap ko. Naging member ako ng isang literary organization na pinagmulan ng malalaking tao sa industriya. Napaka-life changing ng experience ko sa UPWC para sa akin.


Ang Liham at Lagda ay nasundan pa ng iba pang mga contests at hanggang sa bakasyon ay mayroon pa. Hanggang sa pag-graduate ko ay hindi ako aalis ng org. na ito.


We had our farewell party for the old members na aalis na ng unibersidad. Sobrang mamimiss ko sina ate Gwen, ate Fawn, kuya Joe, at ang iba pang mga members. Hindi ko maisip na next academic year ay hindi ko na sila kasama. I also can't believe na sa amin ni Daia pinasa ang paglead ng organization. Magiging malaki ang responsibility na hawak ko.


Regarding academics, natapos na ang lahat ng requirements ko. Nadagdagan na naman ako ng mga units na nai-take na. Ang pinaka-kinatatakutan kong finals ay nagdaan na rin na parang bula. Mabilis na natapos ang lahat.


I also feel blessed dahil 1.25 ang GWA na nakuha ko ngayong semester. Na-maintain ko ang pagiging University Scholar. May dalawang honorific scholarship kasi dito. University Scholar at College Scholar. Mas mataas ang gwa na kailangan i-maintain sa University Scholar. I'm so glad that I really made it to the list. 


 Everything went so fine. Napaka-smooth ng daloy ng mga pangyayari sa buhay ko. Sobrang excited na rin ako dahil next school year ay 4th year na ako.


I literally couldn't ask for more.


Ang daming nangyari pero nandiyan pa rin ang friends ko, walang nagbago. In fact, nadagdagan pa nga ng isa. Ito ang taon na binigay ng tadhana si Galen sa buhay ko. Months had passed but he's still the same Galen. He's so full of surprises. He's really consistent.


Lahat na yata ng mga ginagawa ng isang manliligaw ay ginawa niya para sa akin. Sagana ako sa love letters. Halos every vacant time ko nakakatanggap ako ng notes from him. Breakfast date, lunch date, dinner date- name it! Iba't ibang movies na rin ang nasaksihan namin for movie dates. 


Kahit mama ko ay comfortable na sa kaniya. Minsan nga ay parang siya na ang anak dahil palagi itong kinukumusta, palagi itong hinahanap ni mama. Kaya niya ring makipagsabayan ng kalokohan sa mga kaibigan ko. Kahit si Angel ay nagagawa niyang mapahalakhak.

love, Aitana.Where stories live. Discover now