DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
"Love, Aitana." is not affiliated with University of the Philippines, UPWC, UPAK, DUP, and other student organizations.
READ AT YOUR OWN RISK.
________________________________________________
"Una na ako ha!" Sabi ko sa mga acquaintances na nakasama ko sa pagpila. Tumango naman sila ay nagpaalam na rin.
Nakuha ko na ngayon ang bagong schedule ko for this academic year. 18 units ulit ang kailangan ko for the first semester. Apat ang concentration subjects ko ngayon. Pero sobrang saya ko dahil sa wakas, wala na akong Foreign Language na subject.
Wala akong classes every Thursday. One hour nalang din ang vacant time ko. Nag-improve na ang class schedule ko. Hanggang 1:00 ng hapon lang ang mga klase ko at ang remaining time ay pwede ko nang i-spend sa org. Umaayon sa akin ang tadhana ngayon.
Bukas official na magsisimula ang academic year. Pero one week ang itatagal bago maging seryoso ulit ang mga klase. Ang mga unang araw naman ay more on house rules ng prof and mga aasahang requirements sa subject areas.
Ang hinihintay ko nalang ngayon ay ang pagbalik sa klase dahil may plano na ako sa mga darating na mga araw at buwan.
Agad akong umuwi dahil walang pasok ngayon si mama. Bumili ako ng mga baking essentials dahil balak naming subukan ang recipe ng egg pie na binigay ni Galen. Nagcrave kasi ako at ang lasa na gusto ko ay iyong binigay niya months ago. Kami nalang ni mama ang gagawa dahil busy si Galen sa work niya.
"Sure ka na ba na sakto lang yung butter?" Pagtatanong ni mama habang inaayos ang ibang mga ingredients.
"Sakto lang 'yan, ma."
Nagdecide kami na siya ang gagawa ng filling at ako ang gagawa ng sa crust para mas mapadali kami.
Habang naglalagay ng flour ay tumunog ang cellphone ko. Pinunasan ko ng wet wipes ang kamay ko at chineck ito. Galen is calling.
"Hello love."
"Kumusta po? Water break namin." Diretsong sabi niya. Hindi ko muna tinuloy ang ginagawa ko at nakipag-kwentuhan muna sa kaniya.
"Ginagawa na namin ni mama yung egg pie ala Bolivar." Narinig ko naman ang tawa niya sa kabilang linya. Kagabi ay pina-list ko sa kaniya ang mga nagamit niyang sangkap at kung paano niya ito ginawa.
"Baka makalimutan mong ilagay ang sikretong sangkap."
"Wala ka namang sinabing secret ingredient!" Pagrereklamo ko sa kaniya dahil sigurado akong nilista at nabili ko lahat ng sinabi niya.
YOU ARE READING
love, Aitana.
RomanceAitana, a poetess and a short story writer, found herself drowning in every word written in her poems. She met the devil-may-care actor, Galen, and she never thought that she will find her favorite rhyme just in time. March 22, 2020