Chapter 3

141 22 1
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


"Love, Aitana." is not affiliated with University of the Philippines, UPWC, UPAK, DUP, and other student organizations. 


READ AT YOUR OWN RISK.

_______________________________________________________

"Bilisan mo naman, Aitana. Malelate tayo niyan eh."


Nandito ngayon si Vee para sunduin ako. Nagpapasama kasi siya sa practice nila para sa live show nila next week. 


Ang aga aga ginising niya na ako at pinilit kainin yung breakfast na dala niya na sabi niya ay binili niya pa sa isang cafe sa Fairview. 


Dahil nga B.A Theater Arts ang course niya, magaling talaga siyang mag-inarte. I mean, passionate siya sa pag-acting.


Member siya ng DUP or Dulaang Unibersidad ng Pilipinas.


Sobrang pinangarap niya maging member ng DUP.


Hindi pa nilalabas ang resulta ng UPCAT, hinanap niya na agad ang registration at audition para dyan. Mas advanced pa siya sa advanced. 


"Aitana, gusto mo bang matulog muna kasi maaga pa? 20 minutes pa bago yung start ng practice namin at hindi naman ako pagagalitan ni Direk kaya okay lang. Matulog ka muna tapos kumain ka ulit pagka-gising mo." Sarkastikong sabi niya habang inaayos ang higaan ko na parang pinapahiga talaga ako.


"Sige tulog muna ako ha?" Sabi ko na nagpalaki sa mga mata niya.


"Joke lang. Ito na, aalis na tayo bago pa tumaas ang blood pressure mo."


Habang nagsusuot ako ng medyas, kung ano anong pang-sesermon ang sinasabi niya na parang ako pa yung nang-istorbo sa kaniya. 


Ilang minuto na ang lumipas, nakapag-suklay na ako lahat lahat, hindi pa rin siya tapos dumaldal. Siya ang pinaka-maingay na tao na nakilala ko buong buhay ko. Sobrang magkaiba sila ni Angel kasi si Angel onti lang ang words na alam, parang pang-two years old lang ang vocabulary.


Saturday ngayon pero wala akong choice kung hindi sumama dito sa babaeng ito dahil kahapon palang ay kinontrata niya na ako. Ginamit niya pa ang friendship namin at hindi niya raw ako kakausapin kahit kailan kapag hindi ako sumama. Ang galing lang. 


Kailangan niya raw ng makakapanood sa performance niya para sa evaluation. Gusto niya raw na kaibigan ang isama niya para makapagsabi ng totoo. Paano niya naman nalaman na magsasabi ako ng totoo 'di ba?


Ang galing talaga mag-inarte! Bagay na bagay sa theatro. 


love, Aitana.Where stories live. Discover now