Chapter 6

118 20 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


"Love, Aitana." is not affiliated with University of the Philippines, UPWC, UPAK, DUP, and other student organizations.

READ AT YOUR OWN RISK.

____________________________________________________

Kagaya ng nakaraang linggo, mabilis na lumipas ang mga araw at naging magaan ang mga gawain sa bawat subjects.


Ang class schedule ko ay MWTHF. Pahinga ako tuwing Tuesday.


Kada isang araw, tatlo lang ang subjects namin dahil 3-hour lecture lang per week kada subject. Sa madaling salita, 1 hour and 30 minutes lang ang span ng pagtuturo and 2 meetings lang kada subject. 


Mayroon akong 5 subjects na kailangang matapos ngayong sem. 


Ganon ang setup dahil 3 units every subject at 18 units ang kailangan matapos ngayon.


Mismong ang unibersidad ang nag-set ng ganoong schedule. Sa kanila rin nanggagaling ang academic calendar. 


Sa Creative Writing, wala namang pilitan dito sa unibersidad dahil sinabi naman na student mismo ang pipili kung anong genre niya gusto magfocus. At iyon ang ilalagay sa concentration subjects na kukunin niya. 


Sa case ko, ang pinili ko ay fiction. Dalawa ang concentration subjects namin ngayon at 6 units agad ang sakop non.


Noong una ay nahirapan akong intindihin ang mga ginagamit na pangalan ng subjects sa college dahil hindi naman ganito ang nakasanayan natin.


Noong high school ay simpleng English, Filipino, Science, at iba pa na simple lang naman ang spelling at madaling bigkasin. Hindi tulad ngayon, minsan ay letters lang ang pangalan ng subject.


Nakakahilo pero masasanay ka rin.


Para sa akin, Monday at Wednesday ang pinaka-stressful na araw dahil pinagsama sa araw na iyon ang tatlong subjects namin at kasama doon ang pinaka-ayaw ko na Foreign Language 4.


Noong Thursday ay maraming ginawa sa klase. Nagkaroon kami ng story chain sa isang subject namin.


Kung saan, lahat kami ay gumawa ng introduction o exposition ng isang kwento. Lahat kami ay pressured sa ginagawa. Lalo na't wala pang dalawang oras lang ang inilaan para sa amin.


Nagsulat lang kami nang nagsulat at hindi na nakikipag-usap sa katabi. Paminsan-minsan ay napapabuntong-hinga nalang sa sobrang takot habang gumagawa dahil strict talaga ang prof namin dito. 


Bilang homework, lahat ng introduction namin ay pinasa sa katabi namin at siya ang gagawa ng rising action.

love, Aitana.Where stories live. Discover now