Chapter 12

95 15 6
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


"Love, Aitana." is not affiliated with University of the Philippines, UPWC, UPAK, DUP, and other student organizations.

READ AT YOUR OWN RISK.

______________________________________________________

Lahat ng mga kasama namin ngayon ay natataranta na. Kulang nalang ay magkabungguan na kaming lahat dito dahil sa kaniya-kaniyang ginagawa.


Naging successful naman ang ticket selling namin at naging sold out pa. Pinag-iisipan pa nga kung magkakaroon pa ng mga susunod na batch next month. Pero ngayon, ang focus ng tatlong student organizations ay ang live performance na magaganap sa mga darating na araw.


Ngayon ay hindi na mapirmi sa mga pwesto nila ang mga tao. Lakad dito, lakad doon. Hindi na yata matatapos ang pagsesetup ng kung ano ano. 


Umaga palang pero magkakasama na kami para sa preparation at general rehearsal mamaya.


Magaganap na bukas ang big event na isang buwan naming pinaghandaan.


Hanggang tanghali lang ang rehearsal ngayong araw at sa hapon naman ay may mass. Pagkatapos ay uuwi na ang lahat para makapagpahinga at makapaghanda para bukas. 


Ngayon ay inaasikaso namin ang mga zines na kakadeliver lang. Nilalagay namin ng stamp isa isa para maging official copy na ang mga ito. Mamaya ay hahatiin namin ang mga ito at ilalagay sa limang boxes para hindi na mahirapan sa pagdidistribute per batch. 


Hundreds of zines ang nandito dahil limang batch ang performance. Dalawa sa Saturday, ang remaining three naman ay sa Sunday.


First batch ay tanghali, ang second batch ay hapon. Ganon ang setup for Saturday. Sa Sunday naman ay ma-eextend sa hapon para magkasya ang tatlong batch.


288 lang ang full capacity ng Wilfrido Ma. Guerrero Theater kaya nag-eexpect kami ng 1,440 live audience buong weekend. 


Ang UPWC ay naghanda ng 1,500 zines. Ang sobra ay ipamimigay nalang sa mga members ng production. Kapag sobra pa rin ay mapupunta na sa CAL Department.


Ngayon ay chinicheck din namin isa isa ang zines para makita kung mayroon bang mga damage. As of now, good quality naman ang mga zines na natatakan na.


"Ai, nai-bundle niyo na ba ang mga ipamimigay para sa first batch sa Saturday?" Tanong ni kuya Joe habang bitbit ang iba pang mga zines.


"Binibilang palang po namin kuya."


Nagpatuloy lang kami sa pagkahon ng mga zines by batch para hindi kami maguluhan para bukas.


love, Aitana.Where stories live. Discover now