Chapter 21

80 13 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


"Love, Aitana." is not affiliated with University of the Philippines, UPWC, UPAK, DUP, and other student organizations.


READ AT YOUR OWN RISK.

________________________________________________

"Rest day ka ngayon, ma?" Tanong ko kaagad sa mama ko pagkababa ko sa hagdan. Siya ngayon ang nagluluto ng almusal namin.


Medyo nahuli ako ng gising dahil gumawa ako ng school works kagabi. Kababalik lang namin from Lenten break pero ang dami na agad ginawa for finals.


Masyadong naging mabilis ang pagtatapos ng academic calendar ngayon. Kaunti nalang at matatapos na rin ang school year na ito.


"Wala rin akong pasok bukas, nak." Sabi niya habang piniprito ang bacon. Buong weekend ko pala siya makakasama kung ganoon. Mabuti naman at magkakaroon siya ng dalawang araw na pahinga dahil gabing gabi na siya nakakauwi noong mga nakaraang araw.


Inayos ko na ang lamesa para mas mabilis ang trabaho. Magtitimpla na rin ako ng kape dahil mabilis na maluluto rin ang mga ulam.


"Anong oras ka ba susunduin ni Galen?" Pinaalam na ako ni Galen kahapon kay mama. May surprise raw kasi ito. Wala naman siyang sinabi na kahit ano kaya't wala rin akong idea.



"Mamayang 9:30 siguro, ma." Sinimulan na namin ang pagkain habang nagke-kwentuhan.


"Saan ka na naka-assign next week?" Tanong ko dahil sa iba't ibang branches ng opisina nila ipanapadala si mama. Good thing, dito lang din naman sa Metro Manila. Paminsan-minsan ay umaabot sa Bulacan pero mas madalas sa city lang.


"Sa Marikina na ako. Medyo malayo nga pero tatlong araw lang naman kaya ayos lang." Mukhang mapapadalas na naman ang pagiging late niya sa pag-uwi.


Pagkatapos naming kumain ay tinulungan ko si mama na ligpitin lahat ng kalat sa mesa at hugasan ang mga pinagkainan. Nang matapos ko ang mga gawin ay agad na akong naligo para maghanda sa pagsundo ni Galen mamaya.


Nagpuyat ako kagabi para pagbalik ko ngayong araw galing sa galaan ay hindi ako tambak ng mga gawin. Buong araw kasi bukas ay balak naming ilaan ni mama para sa church at movie marathon.


Maghahanap na sana ako ng mai-susuot ko pero hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya't hindi ko malaman kung ano ang dapat kong isuot. Baka ma-overdress ako o kaya naman ay hindi angkop ang suot ko sa lugar na pupuntahan namin. Para safe, nag-plain na gray shirt nalang ako at black na ripped jeans. Mag-grey na shoes nalang din ako at simpleng sling bag.


Wala naman akong problem sa buhok ko dahil hanggang balikat lang ito. Tamang suklay at blower lang ang katapat. Nag-ayos na rin ako ng mukha at naglagay ng kaunting liptint para hindi magmukhang maputla.

love, Aitana.Where stories live. Discover now