DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
"Love, Aitana." is not affiliated with University of the Philippines, UPWC, UPAK, DUP, and other student organizations.
READ AT YOUR OWN RISK.
______________________________________________________
"You need to pass everything at the end of the month. Rules are rules." Narinig ko naman ang sabay sabay na buntong hininga. Sa dami dami ng requirements ng prof naming ito ay hindi ko na alam kung paano magsisimula.
Ang dami daming isusulat, iba't ibang writing techniques pa ang gusto niyang makita. "Kaunti lang naman iyan at mabilis na matatapos kapag hindi nagpa-petiks petiks."
Pinilit kong hindi mapa-roll eyes sa kaniyang sinabi. Sa limang writing activities na pinasulat niya, baka tatlong araw naming gawin ang mga iyon. Tatlong araw na walang tulog tulog at walang social life.
Kahit sa ibang subjects namin ay nagbigay na rin ng mga gawain. Isang malaking good luck nalang talaga sa sleeping pattern ko. Nai-alay ko na yata ang lahat para sa academic year na ito.
Ubos na ubos na ako. Kaunting pitik nalang siguro sa akin ay maiiyak na ako bunga ng lahat ng frustrations.
UP, sobra sobra ka na talaga.
"Aitana. Tutuloy pa ba tayo bukas dalawang speaker ang hindi makakapunta?" Ang mga co-members namin ay tahimik na hinihintay ang decision namin ni Daia. Kahit sila ay stressed na sa mga nangyayari.
Hindi ko inasahan na problema ang huli kong nakuha sa klase at problema rin ang una kong makukuha pagpunta sa org. Masyado nang sumasakit ang ulo ko sa araw na ito.
Ito na ang huling batch ng workshop namin pero dito pa kami nagkaroon ng maraming problema. Ang lahat naman ay naka-set na. Dito lang nagkaroon ng problema dahil sabay na nagkaroon ng emergency ang mga mag-lelecture. Sobrang sakit na rin ng ulo namin sa mga ganitong aberya.
"Ituloy natin? Tayo na mismo ang magbigay ng motivation and then damihan natin ng activities para effective?" Binigay ko na ang suggestion ko para kahit papaano ay mayroon kaming mailista na panibagong mga plano.
Hindi naman namin pwedeng basta basta nalang sabihin na hindi na matutuloy. Siguradong malulungkot ang aspiring writers dahil they are looking forward sa session na ito.
"Lahat tayo? Ang iba sa atin ay hindi ganoong magaling sa pagsasalita ate Daia."
"Hindi naman. Magkaroon nalang tayo ng iba't ibang mga assigned tasks. May magsasalita, may mag-aassist, mayroon din sa activities." Sang-ayon ako sa sinabing iyon ni Daia. Everything will fall into their best places kapag pinagtulungan namin ang problemang ito.

YOU ARE READING
love, Aitana.
RomanceAitana, a poetess and a short story writer, found herself drowning in every word written in her poems. She met the devil-may-care actor, Galen, and she never thought that she will find her favorite rhyme just in time. March 22, 2020