Chapter 18

89 15 3
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


"Love, Aitana." is not affiliated with University of the Philippines, UPWC, UPAK, DUP, and other student organizations.

READ AT YOUR OWN RISK.

______________________________________________________

Isang panibagong araw sa unibersidad. Sobrang tirik ang araw pero marami pa ring mga naglalakad sa kahabaan ng campus.


Ilang linggo pagkatapos ng victory party ay tuluyan na naming nai-ahon ang transition ng mid-semester. Naipasa na ang lahat ng mga requirements at naghihintay nalang ng Lenten season.


"Miss Aitana, nasaan ka?" Tanong ni Galen sa kabilang linya. Halos magdadalawang linggo na kaming ganito. Gagamitin niya ang 30 minutes ng vacant naming dalawa para guluhin ako. Dito lang kasi nagsasakto ang oras namin na parehas kaming walang ginagawa.


"Nandito ako sa Diliman Brew." Nag-iced coffee ako dahil hindi ko kinakaya ang init. Hindi ako nag-heavy meal dahil hindi pa naman ako nagugutom. Siguro ay babawi nalang ako mamaya sa bahay.


"Pwede bang sa Sunken nalang tayo magkita? Bilisan mo at 30 minutes lang ang time natin, remember?" Natawa ako sa tinuran niya dahil parang ako pa ngayon ang gustong makasama siya.


Ilang linggo na siyang walang ibang ginawa kung hindi kulitin ako pati na rin ang mga taong malapit sa akin.


Pumunta na rin ako sa Sunken Garden kahit ang init init. Hindi ko malaman kung anong naisip ni Galen at gusto niyang sa Sunken kami kahit na 12:10 ng tanghali. May mga puno naman doon pero iba pa rin yung init ng araw kapag ganitong oras.


Nagulat ako nang makita na kaaagad ang motor niya. Nakasandal siya dito habang nakatingin sa kawalan.


Nang magtama ang aming mga paningin ay agad naman siyang ngumiti at kumaway. Pagkalapit ko sa kaniya ay binuksan niya ang compartment ng motor niya at naglabas siya ng isang kulay pink na blanket.


Hindi niya pa sinasabi kung para saan yung blanket pero parang alam ko na kaagad. Pinigilan ko namang hindi siya tawanan pero hindi ko kinaya.


Natawa lang ako kasi hindi ko naman na inaasahan na gusto niyang mag-picnic. I mean, wala siyang ibang buhay bukod sa theatro at pag-aaral. Hindi ko nakikita ang soft side niya na mahilig pala siya sa mga ganitong bagay.


"Ako na ngayon ang tinatawanan mo, Miss Aitana?" Hindi siya nakatingin ngayon sa akin dahil busy siyang mag-setup ng blanket.


"Kaya naman pala gustong sa Sunken pa magkita." Tinignan niya na ako at sumama pa ang mukha dahil hanggang ngayon ay pinipigilan ko pa rin ang labis na pagtawa.


Ang pwesto namin ay nasa ilalim din ng puno kaya't hindi direkta ang init ng araw sa amin. Muli siyang lumapit sa motor niya ay kinuha ang isang brown na paper bag. Gusto ko sanang makita ang nasa loob nito pero agad niyang nai-tago sa kaniyang likuran.

love, Aitana.Where stories live. Discover now