Chapter 20

97 15 1
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


"Love, Aitana." is not affiliated with University of the Philippines, UPWC, UPAK, DUP, and other student organizations.

READ AT YOUR OWN RISK.

______________________________________________________

Nagmamadali ako ngayon papunta sa last subject ko. Natagalan ako bumalik sa CAL dahil sa UP Town Center pa ako nanggaling.


Hindi ko kasama si Galen kaninang vacant dahil Wednesday ngayon at wala siyang classes kapag Wednesday. Katulad ko ay 4 days ang din ang pasok niya. Halos isang linggo na rin ang lumipas simula nang sinabi niyang liligawan niya ako. Sa unang gabi ay naghatid lang naman siya ng vanilla custard pie. Naabutan pa kami ni mama sa labas dahil hindi ko siya ininvite papasok sa loob ng bahay.


Papalayasin ako ng nanay ko kapag nalaman niyang nagpapasok ako ng isang lalaki sa bahay nang hindi niya nalalaman. Kaya hindi ko iyon ginawa.


"Hi tita!" Iyan pa ang unang bungad niya sa mama ko at ipinakilala ang sarili niya. Siya na ang nagbuhat ng sarili niya. Napaka-lakas ng loob niyang sabihin na manliligaw ko siya kahit hindi pa siya tinatanong.


Tuwing naiisip ko kung paano niya nagagawa ang mga bagay na iyon ay natutuwa talaga ako. Saan niya kaya nakukuha ang tibay ng loob? Ako nalang talaga ang sumusuko sa mga ginagawa niya.


Bonus points na talagang masarap yung custard pie na dala niya. Kagaya ng egg pie na binigay niya, siya rin daw ang gumawa nito. Instant baker na siya ngayon.


"Oh Aitana. Bakit late ka?" Tanong ni Becca pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom.


Nginitian ko lang siya dahil sa tingin ko ay hindi pa naman ako considered as late kasi wala pa namang prof.


"Nililigawan ka na ni Galen 'di ba?" Hindi na ako nagtaka na alam niya dahil kasama sa top 5 entries ang love letter ni Galen. Lahat ng entries nila ay nilagay sa official facebook page ng UPWC. 


Hindi ito nanalo as first place pero hindi naman niya ikinalungkot iyon. Ang purpose niya lang naman kasi sa pagsusulat ng love letter ay ang masabi niya ang feelings niya sa creative na paraan.


Muli akong tumingin kay Becca at tumango. Kaunti nalang din ang pasensya ko sa kaniya dahil wala siyang ibang ginawa kung hindi sumagap ng chismis sa buhay ko. Araw araw siya ganiyan.


"Sana all." Huling sabi niya kaya't hindi na ako nagsalita pa.


Yes girl, sana all. It is something that you cannot relate.


Joke.


Pagdating ng prof namin ay agad na nagsimula ang discussion. Medyo maraming important terms ang nasabi kaya hindi ako matapos-tapos sa pagsusulat ng notes. Walang gamit na powerpoint presentation ngayon, doble ang effort ko para matandaan ang topic ngayon.

love, Aitana.Where stories live. Discover now