Chapter 16

87 15 1
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


"Love, Aitana." is not affiliated with University of the Philippines, UPWC, UPAK, DUP, and other student organizations.

READ AT YOUR OWN RISK.

______________________________________________________

"Ms. Ferrer, what is the difference between allusion and allegory?" Sobrang lakas ng tibok ng puso ko nang mabunot ang index card ko. Kanina pa ako nananalangin na sana kapag tinawag ako ay alam ko ang sagot.


Maingat kong ibinaba ang ballpen ko at tumayo upang sagutin ang tanong ni Prof. Ruella.


"Allegory uses representation. It is somehow a story within a story. Allegory is a symbolic representation of a principle while allusion is a reference. Allusion is somehow similar to metaphors." Pinilit kong 'wag pahabain ang sagot at baka magtanong pa si Ma'am.


Tumango-tango naman siya sa sagot ko kaya't uupo na sana ako pero sinenyasan niya ako na hindi pa siya tapos sa pagtatanong. "Can you give us an example of a literary work that used allegory through inventive characters?"


Huminga ako nang malalim at sinubukang i-clear ang isip ko. Alam ko naman ang sagot dahil nagbasa ako ng handouts kagabi pero dahil sa sobrang kaba ay hindi ko kaagad maalala.


"Yes, Ms. Ferrer?" Para na siyang naiinip sa paghihintay ng sagot ko. Hawak hawak niya pa rin ang index card ko at mukhang pinag-iisipan niya na kung anong grade ang ilalagay doon.


"The Wizard of Oz by L. Frank Baum"


"Very good, Ms. Ferrer!" Nakahinga ako nang maluwag dahil pinaupo niya na rin ako. Buong akala ko ay hindi ako makakasagot sa recitation. Ang laking hatak pa naman nito sa grades namin. 


Si Prof. Ruella kasi ang pinaka-strict sa lahat ng prof namin ngayon. Nasa mid-40s palang siya pero hanggang ngayon ay dalaga pa rin siya, walang asawa at walang anak. Matangkad siya at sa unang tingin ay halatang masungit na talaga. Hindi ko nga kayang makipag-eye to eye sa kaniya. 


Siya ang naglelecture sa amin sa isa naming concentration subject. Ang mga pinag-aaralan sa mga concentration subjects ay ang mga subfield ng isang major subject. Ang mga coursework nito ay naka-focus sa isa lang. Sa case ko, ang concentration ko ay Fiction.


Nagpatuloy lang si Prof. Ruella sa pagtawag ng mga pangalan. Kalmado na ako dahil alam kong hindi na niya ako tatawagin. Nakikinig nalang ako sa sagot ng mga block mates ko para kung sakaling magkakaroon ng quiz ay hindi ako magmamakaawa sa mga santo.




Ang mga susunod na subjects ko ay naging madali nalang. Walang recitation na naganap. More on practical activities pa rin kami. May mga nagbigay ng home works pero hindi naman complicated ang mga iyon.

love, Aitana.Where stories live. Discover now