Chapter 26

61 8 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


"Love, Aitana." is not affiliated with University of the Philippines, UPWC, UPAK, DUP, and other student organizations.


READ AT YOUR OWN RISK.

________________________________________________

"Welcome to the UP Writers Club!" Nakahilera kaming mga old members at sabay sabay na nag-welcome sa mga bagong members namin.


Iyan ang unang ganap namin sa UPWC for this school year. Ang recruitment week namin ay tumagal ng isang linggo. Bawat araw ay may dalawang tao na naka-assign sa booth. Mayroon kaming naihanda na mga zines, stickers, at nagdagdag din kami ng bookmarks. Tuwing pagkatapos ng klase ko ay binibisita ko sila para malaman kung marami bang sumasali.


"My name is Jamila Madrid. Freshy po ako, Bachelor of Science in Accountancy." Isang dalagang malakas ang loob. Aware siyang mahihirapan siya dahil demanding sa oras ang course niya pero sumali pa rin siya rito. What a brave soul.


"Hello po! Ako po si Milan Catigbian. 2nd year na po at Applied Psychology ang ginagapang na pag-aralan." Tumawa pa siya matapos magpakilala. Ang isang ito naman ay talagang energetic. Friendly siya kaya mukhang makakasundo niya ang lahat.


Nakakatuwa lang na mga lower year sila kaya maraming matitirang members next year. Hindi mahirap iwan pero nakakalungkot pa rin.


"Mariella Velasco. Freshman. Creative Writing." Ang isang ito naman ay opposite ni Milan. Sobrang tahimik ni Mariella at hindi nangunguna sa pakikipag-usap pero polite naman siya. Kailangan lang nito ng kaunti pang oras at matututo rin siyang magkalat kasama kami.


"Spencer Anthony Tagle. Electronic Engineering. Freshman din po." Hindi halata sa kaniya ang pagiging mahilig niya sa pagsusulat. Prim and proper siya. Very manly rin kung tignan.


Marami pa kaming members na na-recruit. Karamihan sa kanila ay freshies dahil iyon naman ang goal namin. Pero mayroon ding mga higher year na sumali sa amin. Ang welcome party namin ay ginawa sa isang coffee shop along Diliman.


Ang unang linggo namin kasama ang mga new members ay naging maayos. Lahat naman sila ay marunong makisama. Si Daia naman ay talagang naka-focus din sa mga responsibilities niya as the president of the organization. Ganoon din ako at paminsan-minsan ay nagco-consult siya sa akin bago gumawa ng isang decision. We create a good tandem. 


Ang unang project namin ay ni-release after a month. Ito ang Flash Fiction Contest. Ang theme ay "Foresight" na suggestion ng isang member sa amin.


Tinawag namin ang contest na "Catch the Future". Ito ay naging bukas sa lahat ng undergraduate and graduate students ng UPD.


Ang nanalo ay isang graduating student from College of Medicine.


love, Aitana.Where stories live. Discover now