Chapter 34

100 12 1
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


"Love, Aitana." is not affiliated with University of the Philippines, UPWC, UPAK, DUP, and other student organizations.

READ AT YOUR OWN RISK.

______________________________________________________

Ito ang unang araw namin para sa training dito sa Loose-leaf. Sinadya ko na agahan ang pagpunta ko rito para hindi na ako mahirapan sa traffic at paghahanap ng bakanteng parking space. Nilibot ko ang aking paningin dahil wala pang masyadong tao sa loob ng compound.


Masyado nga siguro akong maaga pero hindi ko naman iyon pinagsisisihan. Mahirap nang ma-stuck sa gitna ng traffic kapag rush hours.


Gustuhin ko man na lumabas pa ng Loose-leaf para kumain o kaya ay maglibang ay hindi ko na magawa dahil nakakahiya naman sa ibang mga tao rito kung bigla- bigla nalang akong aalis.


Napatingin ako sa isang staff dahil parang kinikilatis niya ako habang nagbabantay siya sa Information Desk. Binati niya ako ng good morning kaya naman binati ko rin siya pabalik. Ang isa pang nakakatuwang bagay dito sa Loose-leaf ay sobrang accommodating ng mga employees. Napaka-friendly nila at hindi nakaka-intimidate.


"Ma'am mayroon po kaming coffee shop sa likod. Baka gusto mong doon muna tumambay habang nagpapalipas ng oras." Naka-ngiting sabi niya sa akin.


"Ay thank you po! Naghahanap po talaga ako ng pagkakaabalahan ngayon." Sagot ko naman sa kaniya at awkward na tumawa. Sinabi niya na rin sa akin ang direksiyon kung paano makapupunta doon.


Mabuti na lamang talaga at mayroon silang coffee shop. Hindi ako maaasar sa sobrang pagka-bored sa paghihintay dahil halos isang oras at kalahati pa bago magsimula ang training.


Bakit naman kasi nasobrahan ka sa pagiging early bird, Aitana?


Natuwa ako nang makita ko na ang coffee shop na tinutukoy ng mabait na employee na iyon. Hindi ganoon kalaki ang coffee shop pero sapat na ito para sa isang shop na nasa loob ng isang workplace. Hindi ito vintage tignan kagaya ng ibang coffee shops sa Manila pero calming ang dating ng black and white na colors nito. Sa loob naman ay puro neutral colors ang tables and chairs. Mayroon din na mga bookshelves sa corners.


Kaunti lang din ang mga tao sa loob. Pumasok na ako at pinili ang isang lamesa na nasa dulo. Malayo ito sa ibang mga employees at katapat lang ito ang isang shelf.


Pansamantala kong iniwan ang pwestong nakita ko at nag-order na ng vanilla latte at isang slice ng blueberry cheesecake. Hindi na ako nag-order nang marami para makakain ako ng lunch mamaya.


Nang makabalik na ako sa table na napili ko ay nilabas ko ang cellphone ko dahil nagsisimula na naman akong kabahan para sa training sa araw na ito.


Kahapon ko pa iniisip kung ano talaga ang mangyayari sa buong time frame ng training na ito. Masyado na akong nababalisa dahil sa last encounter ko kay Galen. Pakiramdam ko, he's now a different person. Which is both a good thing and a bad thing. Good thing kasi hindi na ako mahihirapan na iwasan siya. Bad thing dahil hindi ko alam kung paano makiki-tungo sa kaniya.

love, Aitana.Where stories live. Discover now