DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
"Love, Aitana." is not affiliated with University of the Philippines, UPWC, UPAK, DUP, and other student organizations.
READ AT YOUR OWN RISK.
________________________________________________
"Ano ba naman 'yan, Aitana!" Naaasar na rin akong kausapin ang sarili ko habang hinahanda ang breakfast ko. Ilang araw ko na kasi na hindi makausap nang matino si Galen. Nasa point na kami na hindi nagtutugma ang schedule. I'm busy in the morning sa pagre-ready ng mga gagawin ko for school at sa mismong pagpunta ko sa school. Kapag vacant ko naman na, nasa rehearsals na siya. After class naman ay diretso UPWC na ako, iyon naman ang oras ng free time niya dahil break nila.
Pag-uwi ko naman ay mas gusto ko nalang na humilata kasi I'm so drained. At ganoon na rin naman siya.
Halos malaglag ko ang bowl na may lamang soup nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad kong binaba ang bowl para kunin ito at mabilis kong tinignan kung sino ang tumatawag.
Thanks God, it's Galen.
"I miss you." Naka-simangot na mukha niya ang bumungad sa akin. Ang sarap niyang yakapin sa itsura niya ngayon. Plain black lang naman ang sweater niya pero sobrang angas ng dating niya.
"Miss na kita, Aitana."
"I miss you more." Kung alam niya lang na buong araw siyang nasa isip ko. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko kapag hindi ko siya nakakausap nang maayos. Feeling ko ang laki ng kulang sa akin kapag hindi ko naririnig ang boses niya. Nakaka-paranoid. Nakakalungkot sobra.
"Kumusta ka naman?" Hindi pa rin nagbabago ang nakasimangot niyang mukha kaya napangiti ako. Napangiti ako knowing na may impact din ako sa kaniya kapag namimiss niya ako.
Ang mga nangyari sa mga araw na lumipas na hindi ko siya masyadong nakausap ay na-kwento ko na. Muli nang gumaan ang pakiramdam ko dahil nandiyan na siya. Kahit siya ay nagkwento na rin ng mga nangyari sa rehearsals niya.
Tawa rin kami nang tawa dahil nagtry pa siya na mag-act ng monologue niya. He's really excited when we talk about his true love and home, the theater stage.
Missing you made me feel so empty
Thinking that you are miles away sucks
You are always in my mind from dawn until midnight
It drives me really insane so let's talk tonight
Having sad days without you
I feel that I lose all the colors and hue

YOU ARE READING
love, Aitana.
RomanceAitana, a poetess and a short story writer, found herself drowning in every word written in her poems. She met the devil-may-care actor, Galen, and she never thought that she will find her favorite rhyme just in time. March 22, 2020