Chapter 28

61 8 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


"Love, Aitana." is not affiliated with University of the Philippines, UPWC, UPAK, DUP, and other student organizations.


READ AT YOUR OWN RISK.

________________________________________________

"Ate Ai, kailan po next meeting natin?" Tanong ni Spencer habang nililigpit ang mga papers na tapos na naming basahin. Hinahanda na namin ang mga gagamitin para sa aming Public Workshop. Kasabay ng pagpasok ng panibagong semester next week ay ang pag-open ng registration para sa workshop. Kinausap na namin ang mga alumni na pwede namin maging speaker for workshop sessions. 


Naghahanap na rin kami ng mga paraan upang makapang-hikayat ng mga kabataan na gustong sumali sa amin. Ang writing workshop na ito ay tatagal hanggang sa matapos ang taon and every 2 weeks ang session. Dalawang batches din ang gagawin namin. Every weekend namin ito balak gawin para walang magiging conflict sa schedule ng mga members. 


"Bukas ulit be. Baka nga araw araw na ulit tayo magkasama." Sagot ko sa kaniya at muling pinagpatuloy ang mga gawain. Tulong tulong kami dito sa lahat ng bagay para mapadali at mabilis kaming matapos. Nasubukan na naming gabihin dito sa CAL at ayaw na naming maulit pa iyon. Sobrang hirap makahanap ng sakayan pauwi. 


Nagpost na kami sa facebook page ng UPWC para sa ma-inform ang mga kabataan sa mga gusto naming gawin. Mabuti nalang talaga ang pumayag ang CAL Department pati na rin ang governing body ng UP para sa ganitong mga projects. Magagawa talaga naming ihatid ang passion namin sa labas ng unibersidad. 


Bukod sa workshop ay hindi rin matitigil ang mga writing contests namin para sa mga isko at iska. May mga projects kami na magtatagal for a week, ang mga script writing naman ay aabot ng almost a month. Nagre-ready rin kami para sa mga possible changes sa schedule at marami kaming set of contingency plans. 


"Ate Ai hindi ka ba nahihirapan sa acads since napaka-busy mo na dito sa org? Si Ate Daia nga nagkasakit na." Si Daia ay ilang araw na naming hindi nakakasama sa mga meetings pero nakakausap naman namin siya through phone. Hindi na rin siya makapasok sa mga klase niya dahil may sakit siya. Nagkaroon na siya ng flu dahil araw araw kaming dumidiretso sa org after ng klase. Nahirapan siguro ang katawan dahil graduating din siya at maraming ginagawa. 


"Nahihirapan pero siyempre kailangan kayanin. Hindi naman tayo pwede umatras dito 'di ba?" Tumango-tango siya sa sagot ko. Sa totoo lang ay nahihirapan na ako talaga dahil ang mga oras na pwede ko nang ipahinga ay kailangan ko pang ibigay sa UPWC. Kailangan ko pa hatiin ang oras ko para sa iba't ibang gawain.


Ang mga simpleng bagay na nagagawa ko dati kagaya ng pagtambay sa coffee shops, pagpunta sa mga library, paglabas kasama ang mga kaibigan ay hindi ko man lang malaanan ng atensyon sa ngayon. May mga araw na nalulula na ako sa mga home works pero hindi ko masimulan kasi may meeting pa ako after class.


Mayroong mga gabi na patulog na ako pero biglang magmemessage si Daia dahil nakaroon ng aberya ang mga projects. Hirap na rin akong magreview dahil kahit anong pagfofocus ko ay pumapasok sa isip ko ang mga responsibilities ko. Pero lahat naman ay kinakaya ko pa rin hanggang ngayon.

love, Aitana.Where stories live. Discover now